"WHAT took you so long?!"
"Ay kabayo ni Adan!" Nagulat si Maria sa pagsigaw ng kanyang amo na palagi yatang may dalang microphone.
"Anong kabayo ni Adan?" Kunot noo nitong tanong sa kanya.
"Ah.. Uhm.. Expression lang po?" Saka siya tumawa at napapahimas na naman sa batok niya.
"Stop that Maria." Babala nito habang nakatingin sa kanyang ginagawa at nakakunot noo.
Inihinto ni Maria ang paghimas sa batok niya. Last time she checked, nauwi sa mainit na tagpo ang ginawa niyang iyon kaya hangga't maaari, kahit na kating kati siya ay hindi niya gagawin yon sa harap nito mismo.
"You still didn't answer my question. What took you so long?" Madilim ang gwapong mukha ni Damian.
"Kasi may iniutos pa sa akin si Manang Celia señorito kaya natagalan ako." Liar Maria!
Wala talagang inutos sa kanya ang mayordoma, nag volunteer lang siyang magmop ng sahig dahil nagdadalawang isip siya kung sasama siya sa amo o hindi.
"I told you already that you're mine." Anas nito.
"Ho?" Si Maria naman ngayon ang nakakunot noo.
Tumikhim ang binata mukhang nagulat din ito sa sinabi nito. "What I mean is, uhm.. sa akin ka magtatrabaho this day so it means, you're mine."
Awit Maria!
Ipinilig ni Maria ang kanyang ulo sa isiping iyon. Ayaw niyang bigyan ng kahulugan ang nangyari sa kanila ni Damian kaninang madaling araw. As much as possible, didistansya siya.
Kung pwede nga lang na ilagay niya ang pangalan ni Joy sa noo ni Damian para palagi niyang maaalala ang pinsan sa tuwing magkakadikit sila.
Aaminin niya, iba ang dulot sa kanya ng presensiya nito. Para siyang papasok sa isang nagbabagang apoy na kung hindi niya pipigilan ang sarili niya ay pwede siyang matupok. Iyon si Damian para sa kanya. He is the fire. So hot.
"Let's go." Aya nito sa kanya.
"Saan señorito?"
Damian looked at her and smirk. "Dadalhin kita sa langit, Maria."
Shit!
TAMA nga naman ang sinabi sa kanya ng amo niya. Para ngang nasa langit sila ngayon dahil nasa mataas silang parte ng bukid kung saan pinapastol ang mga tupa.
Namamangha siya sa nakikita niya. Nakakaisip ng mga bagong ideas para sa susunod niyang nobela.
Sa di kalayuan naman ay tanaw niya ang isang simpling bahay. It's a house made of woods pero nasisiguro niyang matitibay na kahoy ang ginamit sa pag gawa ng bahay na iyon.
Narinig pa niyang sinabi ni Damian sa kanya na bahay kubo daw ang tawag nito sa rest house na yon.
Seriously? Bahay kubo? Ang bongga naman ng bahay kubo na iyan.
Pagkababa nila sa sinasakyang pick up ay tinungo na nila ang 'bahay kubo'
kahit munti, ang halaman doon ay sari sari, singkamas at ta---
"Maria?!"
"Ay talong!" Napatutop siya sa kanyang bibig. Sinisisi ang binata kung bakit ganoon na lang ang lumalabas na salita sa kanyang bibig.
"Are you okay?! Kanina pa kita kinakausap and yet, here you are. Day dreaming. Am i right?" Matalim ang titig nito sa kanya.
Pag ako mapuno, palagi ako magdadala ng fucking tape at itatakip ko yan sa bunganga mong parang nakalunok ata ng microphone! Grr!
BINABASA MO ANG
𝐻𝑀𝑆1: 𝒟𝒶𝓂𝒾𝒶𝓃 ℳℴ𝓃𝓉ℯ𝓋ℯ𝓇𝒹ℯ♡
RomanceBecause of Maria's great gratitude towards her cousin Joy, she agreed to her request to be a maid in the Monteverde Mansion, and secretly monitor every move of her cousin's boyfriend, Damian. She did not expect that by staying in the mansion she wou...