CHAPTER 14

4.6K 145 9
                                    

"PAKI-ULIT nga ulit ng pangalan mo."Sana rolled her eyes at her. Aba't marunong magmaldita.

"Sana. Sana. Sana. Di ba maikli at madali lang pong banggitin Miss Maria?" She chirped.

Nagsalubong ang dalawang kilay ni Maria. "Huwag mo akong tawaging Miss Maria. Parehas lang tayong katulong Sana."

Napangisi ang babae sa kanya. "Ay hindi po kayo katulong di ba? Kilala ko po kayo. Isa kang romance novel author. Lahat nga po ng libro niyo kahit may kamahalan po nabili ko na po saka nakita ko na po kayo sa Cebu City, may book signing po kayo. Pumunta nga po ako e kaso, umalis na kayo agad.. Naglakad lang po kasi ako 'non." Biglang lumungkot ang mukha nito pero maya-maya'y bumalik na naman ang sigla. "Pero ngayon po, ang saya-saya ko po! Nakita ko na po—"

Tinakpan niya ang bibig nito. Mahirap na, baka may makarinig dito. Mabuking pa siya. "Sshhh." Saway niya sa dalaga. "Huwag kang maingay. Okay?" Tumango-tango naman ito kaya't tinanggal niya na ang kanyang kamay na nakatakip sa bibig ng dalaga.

'tangina naman, akala ko safe na ako dito. Himutok niya sa isip niya.

"Ahm— Miss Maria, pwede po ba makihati ng closet sayo? Wag po kayong mag-alala, kaunti lang po ang mga damit ko."

"Maid ka?" Di niya napigilang itanong dito.

"Opo. At sabi po ni Manang Celia, dito daw po ako mananatili sa kwarto na ito." Saka tinungo ni Sana ang kanyang sariling kama.

Siguro, ito ang sinasabi sa kanya ni Manang Celia na maid na nanggaling sa karatig probinsya. At infairness, hindi ito mukhang maid. Makinis kasi ang maputi nitong balat. Nahiya ang kanyang kutis sa kutis nito.

Pero— "Sana?" Untag niya sa pangalan nito.

"Ano yun Miss Maria?" Sagot nito.

Nag-aalangan man ay kailangan niyang paki-usapan ito. "Ahm.. Pwede bang wag mo akong tawagin na Miss Maria? Maria na lang. And... can you keep my identity— a secret?"

Kumunot ang noo ng dalaga. "Bakit naman po? May pinagtataguan po ba kayo?"

"No." kaagad niyang tanggi. "It's just that.. Ahm, it's complicated.. Sorry, I can't tell you right now.. But I hope I can count on you— can I?"

Sana sincerely gave Maria a sure smile. "Makakaasa ka Mi— I mean, Maria."

"Thank you.."

BUONG araw ay nasa silid lamang si Maria. Si Sana ang naghahatid sa kanya ng pagkain at gamot. Utos ni Damian kay Sana na ito ang maghatid sa kanya ng pagkain dahil ito daw ang katulong na kasama niya sa kwarto, kaya ito ang pinagkatiwalaan ni Damian na mag-asikaso sa kanya.

Her fever is slowly fading and she feels better now. Better than yesterday. At sana magtuloy-tuloy na ang paggaling niya nang makapagtrabaho na siya ulit. Mukha kasing bashers niya na ang lahat ng katulong sa mansiyon na ito. Sa ginawa ba naman ng binata kanina.

Napahinto siya sa pag-iisip ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa niyon ang gwapong binata. He's wearing his usual t-shirt and paired it with a simple black shorts.

Hot..

Parang nanubig ang bagang ni Maria nang makita niya ang binata sa simpling suot na iyon.

"Hey, how are you?" He smiled while asking her that question and damn, her knees wobbled just because of that killer smile.

Damn.. Kailan kaya papangit ang lalaking 'to sa paningin ko..

Lumapit ang binata aa kanya at sinalat ang noo niya. "Thank God, your fever is slowly fading.." he sighed in relief.

"Magaling mag-alaga ang nurse ko e." Nakangiti niyang turan sa binata.

𝐻𝑀𝑆1: 𝒟𝒶𝓂𝒾𝒶𝓃 ℳℴ𝓃𝓉ℯ𝓋ℯ𝓇𝒹ℯ♡ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon