CHAPTER 8

5K 148 26
                                    

TWO DAYS. Yes, exactly two days na siyang nakaratay sa kama dahil sa mataas na lagnat.

Shit.. Ayaw ko nang umulit. Bulong ni Maria sa kanyang isipan. At desidido siyang gawin ang naiisip niya.

Nakita niyang papalapit sa kama si Damian at may dala-dala itong tray na puno ng pagkain at medisina para sa kanya.

"Hey.." alanganin ang ngiti na namutawi sa labi ng binata.

"Señorito.."

"Maria, what did I told you about you calling me señorito ha?" Nakatiim bagang ito habang sinasabi sa kanya ang mga katagang iyon.

Napapikit si Maria dahil kahit naman gustong gusto niyang banggitin ang pangalan ng binata ay hindi niya na iyon pwede pang gawin. Hindi na pwede.

Naramdaman niya ang paghaplos ni Damian sa kanyang mukha at huminto iyon sa kanyang noo.

"Maria... Please open your eyes.." bulong ng binata.

Dahan dahang iminulat ni Maria ang mga mata at tinitigan niya ang gwapong mukha ng binata.

"Sorry señorito.." siyang nabanggit niya.

Nagsalubong ang kilay ni Damian. "Sorry? I should be the one saying that honey.. Funny, but I don't feel sorry for what I did.. for seducing you. For what happened between us. What have you've done to me woman?"

Ano daw? Ako talaga?

"Wala akong ginagawa.." anas niya.

"Iyon na nga e. WALA kang ginagawa but you bring out the beast in me."

"Masyado ka namang honest." Sansala niya sa sinabi nito.

Napangisi lang sa kanya si Damian. Doon niya napansin ang malalim nitong biloy sa kanang pisngi.

"Rico Yan, ikaw ba yan?" Banat niya sa amo.

Nagsalubong naman ang kilay ni Damian. "Rico? Yan? Patay na yon di ba?"

Napahagikhik siya. "Ang lalim kasi ng dimple mo señorito saka oo, gwapo ka din naman. Lamang ka lang ng isang paligo kay Rico Yan."

Ngumisi ang binata sa kanya. "So.. Nagagwapohan ka pala sa akin?"

Ngumiti lang si Maria at hindi niya sinagot ang tanong na iyon ni Damian.

"Ah, come on Maria! Say that I'm handsome. Gwapo ako di ba? Di ba?" Umaangat-angat pa ang kilay ng binata sa kanya.

"Oo na, gwapo kana. Pero alam mo señorito? Mas gwapo ka sana kung—" Sinadya niyang bitinin ang huling salita.

And once again, Damian frowned at her. "Kung?" Matiim itong nakatingin sa kanya.

"Kung.... Di kana sisigaw." Nakangiwing ngiti niya sa binata.

Tumahimik naman si Damian. Yong klase  ng tahimik na parang isang dosenang anghel ang dumaan. Kaya nakaramdam si Maria ng kaba.

Shit.. Mali yata ang nasabi ko. Lagot ka Maria!

"Hmmm.. Okay." Maya-maya ay sabi nito.

"Huh? Okay? Okay na di kana sisigaw?" Gusto niyang makatiyak sa sinabi nito.

"Yes, but—don't call me señorito kung tayo lang dalawa, got it?"

Humugot muna ng malalim na hininga si Maria. Mukhang mapapasubo siya sa kakatawag ng Damian dito. Pero dahil sa naririndi siya sa sigaw nito kaya tumango siya sa binata.

"Sige."

Umupo na sa gilid ng kama si Damian at ipinatong doon ang tray ng pagkain. Inayos ng binata ang pagkakahiga ni Maria, dinagdagan ng binata ang unan sa likod ng ulo ni Maria at inalalayan ito upang umangat ang ulo ng dalaga at komportable pa din sa posisyon nito.

𝐻𝑀𝑆1: 𝒟𝒶𝓂𝒾𝒶𝓃 ℳℴ𝓃𝓉ℯ𝓋ℯ𝓇𝒹ℯ♡ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon