CHAPTER 7

477 17 2
                                    

CHAPTER 7

GODDESS POV

"CHLOE, ngayon ko lang napagtanto na delikado ang pinasok mo." Sabi ni Nicole. Magkasabay kami ngayong kumakain sa Greenhouse.

Biglang umalis si Jaylord kanina e, hindi ko alam kung saan pumunta. At parang tangang nagbilin sa akin na huwag akong aalis dito sa Greenhouse. Nagka-emergency lang daw.

"What do you mean?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi alam kung bakit siya nag-aalala para sa akin.

"Jaylord is a dangerous man. Marami siyang kaaway at baka madamay ka." Naisip ko din ang bagay na iyon. Pero sa loob ng tatlong linggo, wala namang nagbabanta sa akin o kaya humaharang na kalaban ni Jaylord.

Kaya masasabi kong hindi naman delikado ang kasama siya. Pero minsan nakakainis na tulad ngayon. Tapos na ang klase ko pero hindi pa ako maaaring umuwi dahil sa ibinilin niya.

"Wala naman, Nicole. Tatlong linggo na di ba?"

Napabuntong-hininga naman siya, " okay, sige. Clear na tayo dyan. How about his feelings.?" Tanong niyang hindi ko inaasahan.

Nagtatakha ko siyang tinitigan. "Wala siyang nararamdaman sa akin, okay! Hindi siya nanliligaw o kung ano man tulad ng iniisip mo." Sagot ko. Talaga naman eh. Hindi naman talaga siya nanliligaw.

He just keep telling me, he wanted me to stay with him. And he owned me.

Owning and courting are both different thing. He maybe just want to own me as his girl friend not a girlfriend to be in a relationship with him.

"Ganyan ka na ba kamanhid? He likes you, I can see it everytime he looks at you with deep emotion." Paliwanag niya.

Napakurap ako sa kanya kasabay ng kakaibang pagtibok ng dibdib ko dahil sa mga nadinig ko.

"But he's just a friend. Kung totoo nga 'yang sinasabi mo. Dapat kong kausapin si Jaylord. Hindi niya ako dapat magustuhan dahil hindi ko iyon maibabalik."

"Tama, kausapin mo.. pero ang kinakatakot ko ay.. kung pakakawalan ka pa niya." She said. Naniniwala akong maiintindihan ako ni Jaylord.

"Hindi naman ako lalayo. Pakikiusapan ko lang siyang huwag akong gustuhin."

"God!! Chloe napaka-imposible naman yata no'n. You're like an angel kaya kahit sino nagugustuhan ka. Paano niya gagawin iyon?"

"Never pa siyang nagka-girlfriend sabi nila Carbon. So technically, he doesn't know how to like someone. He's just using me to prove on something." Naaalala ko ang nadinig naming usapan ng mga lalaki nung nakaraang linggo.

Maaaring inaangkin ako ni Jaylord dahil siya ang God of war. At hindi siya papayag na may ibang makalamang sa kanya lalo na sa larangan ng pamba-babae. I could feel those guys around me.

They keep on telling Jaylord is so lucky to have me. Akala nila Jaylord is my boyfriend. And Jaylord is being proud about it even we know we're not in a relationship.

Hinahayaan ko siya dahil alam kong may reputasyon siyang inaalagaan pero hindi tama eh.

"Ganyan ba ang pagka-intindi mo sa kinikilos niya.?" Tanong niya. Umiling ako dahil hindi ako sigurado pero iyon ang tinatatak ko sa isip ko.

"He cares about me but that's natural. Lahat naman sila ganun sa akin kahit sila Carbon, Vince at Troy. Dahil nga lahat sila kaibigan ko." Sabi ko saka niligpit ang pinagkainan ko ganun din siya.

Natapos kaming kumain habang nagkukwentuhan.

"Because they're all like you, Chloe." She said. Bakit pansin ko may nakikita siyang hindi ko nakikita.?

The God of War Owning The Goddess of BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon