CHAPTER 25

295 17 1
                                    

CHAPTER 25

MEGAMI

"WHAT'S YOUR PROBLEM?" Mahinang tanong ko dahil kanina pa ito walang kibo at parang walang balak na kausapin ako.

Tatlumpung minuto na kaming magkasama dito sa loob ng sasakyan niya. Simula nang sinundo niya ako sa University dahil wala silang pasok dahil ginamit ng mga nursing at medical students ang buong facility, for some kind of medical mission, sponspored by the whole Westernal University Board. And one of the students, isa ako sa punong abala dahil practicum namin iyon sa isang subject.

Kaming mga nursing at medical students lang ang may pasok dahil kami ang nag-aassist sa mga doctors na kasama sa mission. Hindi naman pwedeng hindi sumali dahil parte iyon ng training namin para sa unang taon.

Ilang buwan nalang at ikalawang taon ko na sa kolehiyo bilang nursing student.

Pero mukhang hindi natutuwa ang boyfriend ko na abala ako buong araw habang siya walang magawa.

"Ano ngang problema mo?" Ulit na tanong ko. Alam ko talagang may hindi na naman tama dito e.

Kilala ko na kasi ang isang 'to kahit pa magtatlong buwan palang naman ang relasyon namin. Silence to him means he's not okay.

Jaylord is not a silent type kind of guy especially when he's with me. Hindi lumilipas ang isang araw na kasama ko siya na hindi siya magkukwento o kaya naman maglalambing sa akin.

So it's kinda different.. and he is weird today.

I heaved a sigh and asked again, "Nagtatampo ka ba dahil hindi ako nakakapagreply sa'yo?"

Iyon lang kasi ang naiisip kong dahilan kaya nagkakaganito ang lalaking ito. Pero lumipas na ang ilang minuto ay hindi pa rin kumikibo ang hinayupak. Napakapabebe talaga ng isang 'to! Hmp!

"Arrrgg!! nakakainis ano ba!"

"Galit ka na niyan?" Mahinang tanong niya. Mas lalo akong nainis dahil doon. Minsan talaga ang hirap niyang intindihin.

"Ano nga ba kasing problema mo?"

"No need to tell it now," Nagtaas pa ito ng kilay habang tutok ang mga mata sa daan habang nagmamaneho, "I will never win against you anyway."

"D@mn! Jaylord. We're in a relationship. We have to talk about our arguments and not to hide it to one another." Napataas na rin ang boses ko. "And what do you mean? win against who? wala namang dapat nanalo o natatalo sa atin tuwing may misunderstandings tayo. We will end up both loser or both winner. But not one is winner and the other is loser."

Nagpakawala ako ng malalim na hininga at tumahimik. Pinagkasya ko nalang ang sarili ko sa pagtitingin ng mga tanawin sa bintana ng sasakyan niya, nang bigla siyang nagsalita.

"I'm so sorry, My Goddess. I was just so pissed when I called you awhile ago, to ask you about our plan on our upcoming 3rd monthsary." He stated.

Is that it? Dahil ba doon? Oo alam ko naman na pinaghahandaan niya ang 3rd monthsary namin dahil hindi naman namin naicelebrate ang 1st at 2nd.

Nung 1st kasi nandito pa si Daddy sa Pinas kaya hindi ito pumayag na lumabas kami dahil gusto niya family first.

At dahil nangako si Jaylord kay Daddy na never niya akong papipiliin between my family and him so he let me be with my Mom and Dad. Habang nagbabakasyon pa ito.

At nagcelebrate lang kami through greetings at nagpadala lang siya ng chocolates, flowers and gifts to me.

And on our 2nd monthsary naman pareho kaming abala dahil palapit na ang finals. Kabi-kabilang projects and to-do list ang mga inasikaso namin for the sake of study, na halos hindi na nga kami pareho nakakapagkamustahan manlang. Nagkabatian pa kami two days after na ng monthsary namin.

The God of War Owning The Goddess of BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon