CHAPTER 4
VINCE'S POV
MATAPOS ang klase ko dumiretso ako sa SSG headquarters. Ganito naman araw-araw routine ko. Estudyante at Student Council sa umaga at Warlords sa gabi. Matinding time management lang ang ginagawa ko para maayos na magawa ang mga trabaho ko.
"PRES." Bati ni Marky, Vice president ng Student Council. Pagkapasok ko palang ng headquarters.
May nakita akong kasama niyang lalaking may mga benda at band-aid sa katawan.
"Ano problema nyan?" Tanong ko agad. Lintek! Ano na naman kayang problema ang ginawa ng mga basagulero na 'yon.
"Freshmen daw po siya at balak magreklamo daw po sa sumuntok sa kanya." Pagkukwento ni Marky
Naupo ako sa reserved seat ko. "Oh sino daw sumuntok?" Bored na tanong ko.
Hindi na ako magtataka kung isa sa mga warlords o miyembro na under ng warlords ang babanggitin nitong pangalan.
Sa araw-araw nalang may nagsusumbong dito pero mabibilang ko lang sa daliri ko na hindi miyembro namin ang binabanggit. Nyetang buhay talaga! Masyadong inaabuso ng mga miyembro namin ang kapangyarihan ko.
"Sino ba?" Tanong ni Marky sa freshmen.
"Hindi ko po kilala ang pangalan pero kilala ko po sa mukha. Dahil nga po bago lang ako dito." Sabi niya.
Tinignan ko ang tama ng pumutok niyang labi at pasa ng kabilang panga. Mahirap hulaan pero sige kilala nya daw sa mukha eh. Tignan ko kung sino ituturo.
"Vice, pakibukas ang student's corner pakiflash sa T.V screen ang mga common suspect.
Yang mga common suspect na yan halos lahat dyan member ng warlords. Kasama na din ang mga Warlords bosses maliban sa akin.
Unang lumabas ang mukha ni Jaylord. "Siya po yung isa, bali dalawa kasi," biglang sabi niya ng makita ang mukha ng God of war.
Taena, talaga ni Boss abusado na.. Ang hirap lang talaga kalabanin e.
Sumunod na nilabas syempre mukha ni Carbon, "Siya po yung isa pa, bago ako mawalan ng malay. Siya nakita ko."
Napaka-common ng suspect. Partners in crime yan eh.. pero kung si Boss ang unang sumuntok buti buhay pa siya. Naawa pa sa kanya.
"Ano ba kasing nangyari bakit ka sinapak?" Malumanay na tanong ko. Kung tutuusin wala ring silbi kung magsusumbong pa dahil kontrolado ng WARLORDS ang buong University. Maging mga professor ilag sa Warlords.
Pero hindi pa naman kami ang tipo na basta nalang nambubugbog.
Ito ang ilan sa mga bawal at ayaw namin;
Ayaw namin sa nagyayabang dapat kami lang.
Bawal sumuway sa batas ng University dapat kami lang.
Bawal agawin ang amin na, suntukan nalang.
Bawal mangbully ng iba, dapat kami lang.
Higit sa lahat matutong gumalang at rumespesto sa nakakataas. Galangin ang diyos at ang alagad niya. Diyos means Jaylord.
Kapag freshmen ka mga isang linggo pa bago mo malaman ang batas na ito. Dahil kailangan lumabas muna ang tunay mong ugali at saka isang linggo matapos ang unang araw talaga pumapasok ang mga WARLORDS maliban sa akin.
"Isang linggo na po akong nagpapark ng sasakyan sa parking space na iyon, pero kahapon bigla nalang akong sinuntok ng lalaking 'yan." Pagkukwento niya at tinuro niya ulit si Jaylord.
BINABASA MO ANG
The God of War Owning The Goddess of Beauty
RandomJAYLORD ZORALVA is known as the ruthless God of war, walang araw na hindi napapaaway. At dahil siya ang kilalang leader ng grupo siya ang tinuturing na pinakamalakas sa larangan ng pakikipaglaban at talaga namang magaling. Hindi pa siya napapataob s...