ANG KABANATANG ITO AY NAGLALAMAN NG SENSITIBONG PARTE... NOT TOTALLY A 'SPG' BUT STILL.... NOT GOOD FOR MINORS..
YOU CAN SKIP THIS IF YOU CAN'T HANDLE THE SCENE.
CHAPTER 31
MEGAMI
HINDI KO alam kung ilang oras akong nakatulog at pagmulat ko nasa kwartk na naman akong hindi pamilyar sa akin. Buong akala ko pagkagising ko ay kwarto ko ang bubungad sa akin.
Inilibot ko ang mata ko sa kabuuan ng kwarto at masasabi kong isa itong condo type unit. Is this kuya Yuuto's condo?
Nakabili siya ng condo sa Pilipinas? Wala namang duda na kaya niyang makabili dahil isa siyang Nadeshiko at alam ko may bahagi ng siya sa kinikita ng kompanya ni Sofu sa Japan. Pero bakit siya bumili dito sa Pilipinas? Ang alam ko kasi sa hotel lang siya nag-iistay sa tuwing bumibisita siya.
At dahil alam kong siya lang naman ang makakasagot ng tanong ko ay mabilis ko siyang hinanap.
"Kuya Yuuto?" Tinawag ko siya dahil alam kong siya ang huling kasama ko. Nang walang sumagot ay bumangon ako at hinanap ko siya.
Hindi naman ganun kalakihan ang condo niya kaya mabilis ko namang na ikot ang kabuuan nito.
Natagpuan ko siya sa kusina nagluluto. Humarap siya nang maramdaman ang presensya ko.
Malapad siyang ngumiti nang magtama ang mga mata namin. "You're awake, my angel," saad niya.
Lumapit naman ako saka nagtanong. "Where are we? I thought we will go home? I missed mommy, she might be worried" Patuloy lang siya sa paghahain ng pagkain sa lamesa at parang hindi nadinig ang tanong ko.
"I contacted them and they asked me to bring you to Japan." Napakunot ang noo ko.
"Seriously? Why kuya?" Naguguluhang tanong ko.
Bakit naman ako papupuntahin sa Japan? At ganun nalang, wala ng permiso ko ang pagpunta? Maybe Sofu suggested it because of the 'kidnapping' thing happened.
Mariin siyang tumitig sa akin. "For your safety, of course. This place is so dangerous for you."
"No! It's freakingly unfair. I will stay here." Hindi ko napigilang mapalakas ang boses.
Alam ko nag-aalala sila at ineexpect ko na din na magkakaroon sila ng ganitong reaksyon dahil sa nangyari pero hindi ko gustong umalis ng Pilipinas ng basta-basta.
Kailangan ko munang makausap sila mommy. I need to explain everything.
"Is this about Jaylord?" Ito lang kasi ang naiisip kong dahilan bakit nila ako gustong bumalik sa Japan.
Alam kong dahil sa nangyari si Jaylord ang masisisi. At malakas ang kutob kong malaki ang magiging epekto nito sa relasyon namin. Kaya nga gusto kong makauwi at makausap si Mommy para ipaliwanag ang lahat. At gusto ko ring makausap si Jaylord. At hindi tama na basta nalamg nila akong ilayo.
"Yes, because that *ssh*le dragged you into his hellish life. We love you so much that's why we're keeping you safe." Lumapit siya sa akin saka ako pinaupo. "Eat first and let's talk later."
Kahit masama ang loob ko ay kumain pa din ako dahil alam kong may oras para sa bagay-bagay. At masamang paghintayin ang pagkain.
Tahimik lang kaming kumakain ni Kuya Yuuto. Ramdam ko na sobra niya akong inaasikaso. At parang masayang masaya siya sa ginagawa kaya hinayaan ko nalang kahit medyo nagtatampo ako dahil nga sa plano nila.
Nang matapos ay agad ko siyang kinausap. "I wanna talk to them. Call them for me. I will be waiting at my room."
Umakyat na ako sa kwarto kung saan ako nagising. Ilang minuto lang ay nakasunod na siya sa akin
BINABASA MO ANG
The God of War Owning The Goddess of Beauty
RandomJAYLORD ZORALVA is known as the ruthless God of war, walang araw na hindi napapaaway. At dahil siya ang kilalang leader ng grupo siya ang tinuturing na pinakamalakas sa larangan ng pakikipaglaban at talaga namang magaling. Hindi pa siya napapataob s...