CHAPTER 8

416 16 5
                                    

CHAPTER 8

GODDESS' POV

IMINULAT KO ang mga mata ko at napuno ako ng takot nang hindi pamilyar sa akin ang kwarto kung nasaan ako....at si Nicole..?

"Nicole.. gising.." tulog pa ito. Marahil may talab pa sa kanya ang pampatulog na pinaamoy sa amin kanina. Maski sa akin din naman may epekto pa dahil nahihilo pa ako ng kaunti.

"Hmmm.. nasaan tayo, Chloe?" Tanong niya ng magising na din.

"Shh.." sumenyas ako sa kanyang hinaan ang boses. "Hindi ko rin alam.. pero kailangan nating tumakas." Mahinang saad ko.

"Kasalanan ito ng Demonyong nobyo mo eh!" Inis na sabi niya habang maingat kaming bumababa sa kama.

Napataas naman ang mga kilay ko sa kanya. "Hindi ko siya nobyo, okay? Saka huwag na tayo magsisisihan besides may kasalanan din ako dahil hindi ko siya sinunod. Now, where here on his enemy's teritory."

Mabagal kaming lumakad papunta sa pintuan ng kwarto at inilapit ang tainga para makinig kung may mga tao ba sa labas.

"Gising na po, papatayin na ba namin.?" Narinig namin ang tanong ng lalaki, mula sa labas ng kwarto ang boses na iyon. Pareho kaming nanginig ni Nicole sa takot...

"Huwag muna kakausapin ko pa.." sagot mula sa isang nakakatakot na boses. He's kinda familiar.. but I don't have the mind to think about whose voice is that?

Kailangan naming makatakas pero paano??

"Chloe.., natatakot na ako.." agad kong niyakap si Nicole. Hindi ko pinahalatang natatakot na din ako.

Kailangan kong maging matapang.. because in the first place, it's my fault..

Maybe Jaylord would not come to save us because I disobeyed him. And it's the consequence of my actions. But I hope, kahit si Nicole lang makaligtas.

Muli kaming nakinig mula sa labas ng kwarto. At nakarinig kami ng mga yabag na papalayo at pagsara ng pinto. Hanggang sa tumahimik na.

Dahan-dahan akong tumayo at pinihit ang door knob. Maliit ko itong binuksan at sumilip doon kung may tao pa sa labas. "Chloe, baka may makakita sa'yo."

"Shh... mukhang wala ng tao." Sabi ko saka mahinang nilakihan ang pagbukas ng pinto. At ng makita kong wala na talagang tao ay bumalik ako sa loob.

Huminga ako ng malalim saka hinarap si Nicole, "Tatakas na tayo. Okay? And if ever may makakita sa atin pilitin mo pa ring makaligtas ha, at akong bahala sa kanila tutal ako naman ang kailangan nila." Sabi ko sa kanya.

Naluluha itong umiling, "Baliw ka na ba? Bakit naman kita iiwan?"

"Ano ka ba?! Kailangan kahit isa sa atin makaligtas. And asked for help.."

"No.. No.. Let's escape together." Pagpupumilit niya.

"I know, we'll escape together. I said if ever, besides they need me to chase Jaylord, they won't kill me right away." Sabi ko sa kanya...

"Hindi nga dumating ang g*gong yun.. Paano ka na?"

I heaved a deep breathe, "Bahala na," hinila ko na siya saka maingat kaming naglakad at iniiwasang makagawa ng ingay. Madilim sa labas ng kwarto pero may maliit na liwanag mula sa isang bahagi kung saan may ilaw.

Hindi na kami nag-usap at pinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa makarating kami sa pintuan ng lugar. Maingat kong binuksan ang pinto saka sumilip.

Madilim na sa labas. Sheeetttt! Gabi na.. paniguradong hinahanap na kami ng mga mommy namin..

At inilibot ko ang paningin ko, para kaming nasa hideout ng mga kriminal sa pelikula. We really got kidnapped.

The God of War Owning The Goddess of BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon