CHAPTER 15
TROY'S POV
MAINGAY ANG BUONG paligid. Napapasimangot ako dahil ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat.
Nang mga nakaraang Game season kasi lagi lang akong tumatambay sa Greenhouse. Bukas iyon kahßit walang katao-tao kaya doon ko inuubos ang oras ko. Kapag ganitong panahon pero iba ang taon na ito.
Heto kami nakaupo at pinanood ang buong ganap ng GAME season. Hindi kami nandito para sumuporta sa Westernal Basketball team, dahil bukod sa mga hindi sila kagwapuhan, mga gunggong sila maglaro. Sa tatlong taong history ko dito parang wala akong nabalitaan na nag-uwi na sila ng kampeyonato.
We just here because Jaylord, our fcking Boss, is here. Guarding his love of his life. Actually, it's Carbon's idea. Hindi naman talaga kami pinilit ni Boss na sumama.
Sinabihan lang ako ni Carbon na sumama daw kami dahil hindi daw maganda ang kutob niya sa pwedeng mangyari.
Ano bang iniisip niya? Kailan ba may magandang mangyayari kung si Boss ang pag-uusapan.
Speaking of the evil, nakabusangot ang mukha nito at dumudukdok sa cellphone niya. Kanina pa siya nagmumura at hindi mapakali dahil kanina pa nawala sa paningin niya si Megami.
"They're might be preparing, Boss. Mag-uumpisa na kasi ang introduction which is all the muses do their part." Paliwanag ni Vince kay Boss.
Sa aming lahat siya lang ang may alam ng nangyayari. Bilang SSG President he should at least watch the event. Pero alam ko umpisa lang din ang pinapanood niya dahil nga bobo naman ang mga players sa University namin.
Pero kung nakasali siguro kami baka bumabaha na ng tropeyo ang Westernal. Kaso wala eh, sinayang nila kami eh. Magtae sila ngayon! Hahaha!
Napatahimik ang lahat nang muling may magsalita sa malaking speakers.
"We're about to start. Judges, fellow students, teachers and athletes. Our stunningly beautiful muses will about to show, prepare all your eyes and ears as how they will confidently represent their university as one of the best schools in town." Nagpalakpakan ang lahat. Halata ang kasabikan ng lahat lalo na ang mga kalalakihan.
Naman! babaeng maganda daw eh!
Pumaling ang tingin ko kay Carbon na katabi ko sa kanan dahil nasa kaliwa ko si Vince. Ang laki ng ngiti ng P*tng*na! Halatang sabik na sabik makita ang mga babaeng rarampa na halos makita na ang kaluluwa.
I admit all those girls are fcking hot, and all wearing revealing skirts and tops. Walang tulak-kabigin kaya ang g*go lumabas na naman ang pagiging manyak!
"First in the list, representing Saint Francis University, Ms. Jennica Agatha Cruz." Anunsyo ng Emcee.
Mas lumaki ang ngiti sa mukha ni Carbon at napamura pa. Lumabas ang unang muse na halos tube lang ang suot sa pang-itaas, kung saan nakasulat ang pangalan ng University niya, kaya ang malulusog na hinaharap niya ay nagsusumigaw at bahagya ring umaalog sa bawat paglakad. At lantad din ang mapuputing hita nito.
F*ck! Is this some kind of a beauty contest? Akala ko na muse lang ang gagawin? Alam kaya ni Megami na gagawin niya ito?
"So hot! I'm kinda enjoying this!" Masayang sigaw ni G*go. Halata nga eh tutok ang mga mata niya sa bawat galaw ng babaeng rumarampa sa stage.
Nagpakilala pa ito at ganun din ang ginawa ng mga sumunod. At talaga namang magaganda at sexy ang kinuha para sa part na ito.
But I know our muse is not an exemption. Mukha palang ni Megami nakakakuha na ng atensyon. But what was really her uniform?
BINABASA MO ANG
The God of War Owning The Goddess of Beauty
RandomJAYLORD ZORALVA is known as the ruthless God of war, walang araw na hindi napapaaway. At dahil siya ang kilalang leader ng grupo siya ang tinuturing na pinakamalakas sa larangan ng pakikipaglaban at talaga namang magaling. Hindi pa siya napapataob s...