CHAPTER 21

252 9 1
                                    

CHAPTER 21

CARBON'S POV

"WHAT THE HELL?!" Malakas na kinalampag ni Jaylord ang lamesa at ibinagsag ang cellphone niya dahilan para mapatayo kaming tatlo. Napatingin ako sa cellphone basag na screen.

Ano na naman kayang problema nito? Sige hulaan ko... tungkol na na naman kay Megami 'yan!

Tsk! Wala naman na kasing ibang pinoblema ang God of war na ito kundi ang kanyang sinisinta.! Taena makata na yata ako.!

"Anong problema, boss?" Sus. Nagtanong pa ang isang 'to. Alam naman niyang isa nalang ang problemang tumatakbo sa isip ni Jaylord.

"She rejected me for her cousin. Fck!" He murmured.

Oh di ba? Tama ako! Puro Megami, nalang ang laman ng utak niya e.

"Blood is thicker than water, Lord." Nang madinig iyon, matalim niya akong tinitigan.

"Whoa! Easy man! Just stating facts here." Tngna! Mainit nga pala ulo niya bawal magkomento. Mukhang ako pa makakasalo ng init ng ulo ah. Napakamot ulo nalang ako.

Kumalma na siya at kami naman bumalik sa pagkakaupo. Hindi kasi matapos tapos ang meeting namin dahil ilang araw na kaming hindi bumista sa headquarter dahil busy ang boss namin sa paghahabol.

"Marami na namang pasikat, dahil ilang araw din tayong MIA." Si Troy habang iniscroll ng mata niya ang hawak na papel na inabot ng lowermen niya.

"Then give them a warning." He ordered.

Hayan! Back on the game na naman siya.

"I need a peaceful week. Megami's birthday is coming on Saturday. I don't want any sudden emergency that may lead me, to be unable to attend her special day." Haist! Wala na kinain na talaga ng 'Pag-ibig'

Tulad ng gustong mangyari ni Jaylord nagplano kami para sa payapang araw.

"TRACK MEGAMI'S LOCATION." Utos ni Jaylord sa akin pagkalabas namin ng HQ. Huwag na kayong magtaka. Ano pang aasahan kay Jaylord?

Malamang nakaGPS sa cellphone naming mga warlords ang cellphone ni Megami. Simula ng malagay sa panganib ang Goddess hindi na hinayaan ni Jaylord na hindi niya alam ang whereabouts nito.

At dahil palitan kami minsan sa pagbabantay lahat kami pwede siyang matrack using our phones. Mas madalas nga lang si Jaylord dahil nga baliw na siya kay Megami.

Tngna! Huwag kayong maingay pero iyon ang katotohanan.

"Restaurant on south, 'Voń Appetít'." Sabi ko nang lumabas ang exact location niya sa phone ko.

Binasag cellphone niya ngayon bugnot siya di niya matrack si Megami.

"Voń Appetít? High class restaurant for couples 'yon ah?!" Napabaling kaming lahat kay Vince.

"Tanga! Pwede rin naman siguro kahit magpinsan doon." Nakakag*go ang komento na 'yon.

Alam na nga niyang pati pinsan pinagseselosan ni Jaylord pinalala pa. Sobra na talaga ang pagka- Possessive nito kay Megami eh.

Siguro naman aware sila na nakakadiri ang FamilyStrokes.

"I have to go. I had a bad feeling." Mabilis siyang sumakay sa motor na dala niya at pinaharurot iyon.

"Susunod ba tayo?" Malakas kong kinutusan si Troy na siyang nagtanong.

"Hindi g*go dito lang tayo. Makibalita nalang tayo kung anong ginawa ni Jaylord pagkatapos." Buong sarkasmong saad ko. Tumango naman silang dalawa.

The God of War Owning The Goddess of BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon