CHAPTER 11

370 9 1
                                    

CHAPTER 11

CARBON'S POV

"PAANO NIYA naging pinsan si Brandon Guevarra?" Naguguluhang tanong ko kay Jaylord pero mukhang wala itong balak na pansinin ako.

Kanina pa ito tahimik at mukhang malalim ang iniisip. Marahil iniisip niya pa kung paano siya makakalapit kay Megami na binabakuran ng pinsan niyang leader din ng isang grupo.

"Guevarra ang middle name ni Megami. So, technically pinsan niya sa mother-side." Si Troy ang sumagot sa akin habang binabasa ang profile information ni Megami na pinuslit naman ni Vince.

"Paano yan? Malaki ang galit ng Brandon na iyon sa Warlords. Remember the Gang duel? Tinurukan siya ni Jaylord ng Tranquilizer." Sabi ko. At sa nakita kong labanan nila ramdam kong may hugot ang puot ng g*gong brandon na iyon kay Jaylord.

Kanina nga lang na hindi siya pinansin ni Megami at hindi siya makalapit dito ay para na siyang tangang, sinasabunutan ang sarili habang nagpapahinga kami sa loob ng greenhouse. Masyado siyang naapektuhan na hindi niya malapitan ang diyosa ng unibersidad.

Kasalukuyan kaming nagme-meeting tungkol sa bagong grupo na gumagawa ng kaguluhan nitong mga nakaraang araw. Tulad nga ng sinabi ko noon, we're the kind of group with advocacy. And that advocacy is to be the only strongest group here and there.

But our meeting is a little bit different, our boss is not responding.. Tngna!

"Boss!" Kanina pa siyang tinatawag ni Vince dahil nagtatanong ito tungkol sa plano. At hindi kami basta-basta gagawa ng plano na walang serial seal, mula sa God of war.

"Jaylord!" Ako na ang tumawag, dahil ako lang naman ang malakas ang loob.

"What?!" Malakas na singhal niya. Ampotah talaga.. tinatawag lang eh.

"Kanina ka pa niya tinatawag, inulit ko lang." Tinuro ko si Vince dahil siya naman ang may itatanong dito. "P*ta nasigawan pa ako." Bulong ko.

Lumipat naman kay Vince ang matalim na tingin nito. "What do you need, Fernandez?" Hindi pasigaw ang tanong niya pero tae! Bakit nakakakilabot?

"A-ahhmm, Boss.. tatanong ko lang kung anong plano?" Mahinang sabi ni Vince na halata mong kinabahan.

"No plans for the whole week. Mananahimik muna tayo. Bahala sila sa buhay nila." Napatulala kaming tatlo sa narinig mula kay Jaylord.

That's new... never in Warlords history na nahimik kami ng isang buong linggo. Parang kasama na kasi sa weekly lifestyle namin ang magkaroon ng business.

Ano bang nangyayari sa diyosng demonyo ito?!

"And Troy, set me an appointment with the Stallion's leader." Malumanay na utos niya kay Troy pero ang atensyon ay nasa cellphone niya.

"Bakit po, para saan?" Naguguluhang tanong ng g*gong Troy.

Nakatingin ako kay Jaylord at binabasa ang galaw niya dahil naguguluhan din ako sa mga kinilos at mga sinasabi niya.

Nag-angat ito ng tingin saka nakakatakot na tumitig kay Troy, "Do I need to fckng tell you? Who are you my girlfriend?!" Tumayo ito saka kumuha ng invitation letter at ballpen.

Invitation letter ang sulat na ginagamit namin kung sakaling naghahamon kami ng gang duel. Sa loob noon may selyo ng grupo.

Pinanood lang namin siya nagsulat doon. Nang matapos ay inilapag niya iyon sa lamesa saka muling tumingin kay Troy. "Go, Dela Fuente.  Do what I was told you to do and not to ask me." Sabi niya sa madiin na tono.

Nakaka-bobo talaga basahin ang tumatakbo sa isip nitong diyos na 'to. Pero malakas kutob ko may kinalaman ang gagawin nito kay Megami.

Baka papatayin na nito ang pinsan ni Megami dahil gusto na niyang makalapit sa dalaga. Taena! Talaga  nito nalunod na ng kabaliwan. Iba na talaga kapag tinamaan ka na.

The God of War Owning The Goddess of BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon