CHAPTER 29
MEGAMI's POV
I WAS so clueless, one morning when I woke up in an unfamiliar room. Hindi ko mawari kung paano ako nakarating sa lugar na ito.
Basta ang huling naaalala ko lang, ang gabi na mawalan ako ng malay nang dahil sa pagtakip ng kung ano sa mukha ko, ng hindi ko nakilalang tao.
At nang magising ako, nandito na ko. Hindi naman ako nakagapos o anuman pero hindi ako nakakalabas sa bahay na ito. At magdadalawang araw na ako rito.
May mga kasama naman ako ritong tagapagsilbi na talaga namang inaalagaan ako nang husto. Kaya mas lalo akong naguguluhan at nagtataka sa kung sino man ang nagdala sa akin sa lugar na ito.
Inilayo niya ako sa pamilya ko pero hindi naman niya ako pinapahamak o sinasaktan. At higit sa lahat hindi ko pa siya nakikita.
Sino ba kasi siya? At anong kailangan niya sa akin?
"Larah.." tawag ko sa kasambahay na madalas kong kasama. Ito rin ang unang taong nabungaran ko nang magising ako, sa unang umaga ko rito.
"May kailangan ka po ba, Miss Megami?" Hininto nito ang kung ano man ang ginagawa saka lumapit sa akin nang makita niya akong kalalabas lang ng kwarto.
"Wala pa ba ang amo nyo?" Ilang araw
ko na itong tinatanong sa mga kasambahay. Pero lahat ng kasambahay dito ay mga baguhan lang at kakahire lang saktong pagdating ko rin sa bahay na ito.Tanging ang may edad na mayordoma lang ang nakakakilala sa kung sino ang may-ari ng bahay na ito pero madalas na nakataas ang kilay nito at nanlilisik ang mga mata. Para akong nawawalan ng dila at kinikilabutan sa tuwing nagkakasalubong kami kaya natatakot ako na kausapin ito. Maski ang mga katulong natatakot sa kanya. Kaya wala talaga akong mapagtanungan.
"Naku! Narito daw po kagabi pero hindi naman po namin nakita dahil nagpapahinga na po kami sa maid quarters. Ang bilin po kasi sa amin wala ng lalabas ng maid quarters kapag tapos na ang mga gawain." Magalang na sagot niya. "Si Manang Cecelia nalang po ang nasa labas at sumalubong at nagsilbi kay Madame.
"Madame?" Napakunot ang noo ko.
"Opo, madame. Narinig lang po kasi namin na tinawag ni Manang Cecelia ang nabungaran niya sa pintuan." Anya. Si Manang Cecelia ang siyang mayordoma. "Kaya naisip po naming babae po ang amo namin dito na siyang may-ari nitong bahay."
Babae? Sino naman kaya iyon? At bakit niya ako dinala dito? Anong kailangan niya sa akin?
Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko dahil sa nalaman ko. Pero mas lamang na laman ng isip ko ang pamilya ko, paniguradong nag-aalala na sila. At siguradong nakarating na din kina Daddy at Sofu na nawawala ako dahil si Daddy ang unang tatawagan ni Mommy. Pati rin kina Lolo siguro alam na at naroon na sila sa bahay ngayon.
At isa pa sa malalim na iniisip ko ay si Jaylord. He might be so much worried now. Nawawala pa naman iyon sa katinuan kapag may ganitong pangyayari. At alam kong sinisisi na niya ang sarili nya ngayon dahil kami ang huling magkasama. Hindi ko hahayaan iyon dahil malinaw na wala siyang kasalanan.
Gusto ko man silang kamustahin at kausapin para malaman nilang nasa maayos naman akong kalagayan ay hindi ko naman magagawa. Wala ang cellphone ko, naiwan ko sa bahay. Kaya siguro nahihirapan sila hanapin ako. May tracker pa naman sana ang mga warlords sa cellphone ko at kung nadala ko lang sana baka nahanap na nila ako.
Wala ring mahiraman ng cellphone dahil maski mga katulong hindi pinapayagang gumamit. Merong telepono pero nasa isang pribadong kwarto at nakalock. At na kay Manang Cecelia ang susi.
"Siya nga po pala nakahanda na po ang almusal nyo, Miss Megami." Inaya na niya ako sa hapag at pinagsilbihan.
Nakakagulo lang talaga na asikasong-asikaso ako pero bantay sarado ako at gwardyado sa loob ng bahay na ito. Hindi ko tuloy maisip kung kaaway o kakampi ko ba ang may-ari ng pamamahay na ito.
BINABASA MO ANG
The God of War Owning The Goddess of Beauty
RandomJAYLORD ZORALVA is known as the ruthless God of war, walang araw na hindi napapaaway. At dahil siya ang kilalang leader ng grupo siya ang tinuturing na pinakamalakas sa larangan ng pakikipaglaban at talaga namang magaling. Hindi pa siya napapataob s...