CHAPTER 5

527 17 0
                                    

CHAPTER 5

GODDESS POV

HINABOL ko siya pero nakalayo na yata. Hindi ko na makita sa buong University. Kaya bumalik ako sa Greenhouse para magtanong sa tatlo niyang kaibigan.

Hinihingal ako nang makapasok ako sa greenhouse. Hawak ko ang dibdib ko at napayuko. Mabilis naman nilapitan ng tatlo na mga mukhang nag-aalala.

"Miss Megami, ayos ka lang?" Tanong ni Carbon sa akin.

"H-hindi ..ko naabutan.. si Jaylord.." putol putol ang salita ko dahil hinihingal pa din ako.

"Babalik din iyon baka nagpapalamig lang ng ulo." Sagot ni Vince saka ako inakbayan at inalalayang makaupo sa wooden bench. Tumabi rin siya akin ng upo

"Tngnamoo! Pres. Bakit mo hinawakan si Megami?!" Sigaw ni Carbon dito saka hinila si Vince paalis sa tabi ko at nilipat sa katapat na wooden bench.

Nakakunot ang noo ni Vince habang ginagalang ang paningin sa buong Greenhouse. "So what? Wala naman si Boss saka inalalayan ko lang siya. Kita mo hinihingal siya." Paliwanag niya kay Carbon.

"Hoy! Huwag ako! Mga galawan mo eh no." Natatawang asar ni Carbon.

Hindi ko sila maintindihan. Habol ko pa rin ang hininga ko at iniisip ang naramdaman ni Jaylord sa mga nasabi ko.

Napatingin ako kay Troy nang kumanta ito, napatawa naman si Carbon. "Para-paraan ang pagkakataon, makabili na nga ng kabaong."

"T*ngna mo, Troy!" Mura naman ni Vince sa kumakantang si Troy.

"Talaga naman ah?! Kapag nalaman ni Boss na inakbayan mo si Megami.... Mapapatay ka nun." Sagot naman nito saka umakbay kay Vince. "Back-off nga di ba sabi."

Napatingin ako kay Troy saka nagtanong, "Ganun ba talaga siya sa mga babae? I mean, possessive and clingy ba siya kahit di naman niya girlfriends."

Sabay-sabay silang tumingin sa akin. Parang may kakaiba sa sinabi ko.

"What?" Tanong ko at napakunot ang noo.

"Actually, ikaw pa lang ang babaeng dinala ni Jaylord dito sa greenhouse, ikaw lang din ang babaeng binakuran niya. At wala pang nagiging girlfriend si Jaylord, ikaw pa --"

"No. Hindi kami." Putol ko sa sasabihin pa sana niya. Dahil mali ang pagkaka-intindi niya o nila.

"Para sa'yo siguro hindi kayo, pero kay Boss, Automatic na 'yon." Sabi ni Troy.

"Wala talagang kami. Magkaibigan lang siguro pwede pa. Kasi kakakilala ko palang sa kanya, three days ago." Pero di ko din alam kung magkaibigan lang nga kami.

Matapos kong sabihin iyon sabay-sabay nagtawanan ng malakas ang tatlo.

"Tngna! Na-friendzone si Jaylord!" It's Carbon laughing his ass off.

"Pfftt.. I can't believe this." Sabi naman ni Vince habang tumatawa din.

"Ano kayang itsura ni Boss.. kapag nalaman niyang nafriendzone siya?" It's Troy nakayuko habang natatawa din.

"What's funny? Why are you all laughing.?" Boses mula sa kakapasok lang na si Jaylord at may dalang pagkain.

Natahimik ang tatlo at nahinto sa pagtawa. Isa-isa ding tumayo.

"May routine grounds pala ako. Alis na ako, Megami, Boss." Paalam ni Vince saka naglakad palabas.

"May ite-train pala akong new recruit." It's Carbon walking away.

"Alis muna kami boss, kakain yata kayo. Sabay na ako, Carbon." Sumunod na rin si Troy.

At dahil umalis na ang tatlo kami nalang ni Jaylord ang naiwan. Inilapag niya ang mga pagkain na bitbit niya sa lamesa saka umupo sa tabi ko. Hindi ako nagsalita at tignan lang ang mga pagkain.

The God of War Owning The Goddess of BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon