CHAPTER 14
GODDESS' POV
BASKETBALL GAME ASSEMBLY will start at exactly 8am. At kailangan nandoon na ako at ang buong team bago pa mag quarter to eight. Mga alas sais palang ay nag-aayos na ako ng sarili dahil hindi nga ako pwedeng mahuli.
Matapos akong maligo at isuot ang Muse outfit ko tinignan ko muna ang kabuuan ko sa salamin. I gulped as I saw how it fits well with my body curves. Asymmetrical ang tops with cut out sa bandang dibdib. Bukas din ang magkabilang tagiliran nito kaya lumantad ang ilang bahagi ng belly-skin ko.
At dahil nga nagrequest ako na sana kahit itago ang belly-button ko kaya ang gitnang bahagi ng tops ay konektado na sa fitted skirt.
Bahagya akong tumalikod para silipin ang likurang bahagi ko. Shocks! Mas nagmukhang maikli ang fitted skirt dahil sa maumbok kong likuran.
Buti nalang talaga naka-stockings ako dahil kahit papaano hindi ang pinakahita ko ang nakalantad.
This outfit is a little bit uneasy for me. Hindi kasi ako masyadong nagsusuot ng ganitong kaiiksi at revealing na damit dahil nga may pagka-conservative ang pamilya ko.
Actually, hindi ko nasabi kay Daddy na nasali ako dito. At si Mommy naman hindi nakatangi dahil no choice. And Kuya RB doesn't have any idea that I was the chosen muse dahil nga abala siya sa sariling team. Kahit pa nga sa Westernal University na din siya nag-aaral.
Naupo ako sa tapat ng vanity mirror ko at naglagay ng manipis na make-up.
Lumabas na ako ng tumunog ang cellphone ko at nabasang si Jaylord ang nagtext.
From: Jaylord
My Goddess, We're already here waiting... for you.. and don't make yourself so beautiful. I hate them admiring every bit of you...
Psssh! Ano pa bang aasahan ko sa isang 'to? Mas nag-aalala ako sa ipupuna nito kaysa sa mga tao sa paligid ko eh. Mas conservative pa siya sa lolo ko eh.
At dahil nabasa ko bigla akong kinabahan para sa maaaring mangyari sa game. Alam ko naman na hindi pwede buong araw kong suotin ang cover up jacket ko. And once na tanggalin ko iyon paniguradong hindi ikatutuwa ni Jaylord.
We may not be in a relationship yet but I know how he's so possessive over me. Dahil hindi naman niya dinedeny sa akin ang bagay na iyon. Because according to his own vocabulary, I am his and he doesn't like sharing everybit of me.
At kahit ilang ulit kong isigaw at isaksak sa kukote niya na hindi niya ako pag-aari ay wala naman s'yang pakialam. He just ignore it and continue to own me like really his.
I type and replied to him that I'll be there in a few minutes. Kinuha ko na ang Jacket na kasama din sa uniform ko and I knot it around my waist as my cover up for my belly-sides and some showing thigh skins.
Nagpapaalam lang ako kay Mommy saka hinatid niya ako sa family car. But it's just an act dahil ihahatid lang ako ni Manong sa kanto kung saan ako hinihintay nila Jaylord. Pero ang alam ni Mommy ay sa University dahil nandoon ang bus na service ng team.
Which should be actually the reality, ang kaso hindi pumayag si Jaylord na doon ako sasabay. Muntik pa talaga siyang makipag-away para doon kaya ako na ang nakipag-usap kay Coach at sa team na sa kanya na ako isasabay.
Ano bang aasahan ko sa God of war na iyon? He loves trouble, basta ginusto niya! gusto niya! Ipipilit niya kahit pa makipagbasagan siya ng mukha.
Pagkababa ko sa family car agad akong sinalubong ni Jaylord. Prenteng nakasandal sa sasakyan. Tinignan ko ang kabuuan niya nang maglakad siya palapit sa akin.
BINABASA MO ANG
The God of War Owning The Goddess of Beauty
De TodoJAYLORD ZORALVA is known as the ruthless God of war, walang araw na hindi napapaaway. At dahil siya ang kilalang leader ng grupo siya ang tinuturing na pinakamalakas sa larangan ng pakikipaglaban at talaga namang magaling. Hindi pa siya napapataob s...