CHAPTER 1
THE GODDESS
GODDESS' POV
"MEGAMI! Nasa labas na si Nicole bilisan mo." Tawag ni Mom. Mabilis kong pinuyod ang hanggang beywang kong buhok saka dali-daling lumabas.
Hinihintay na kasi ako ng bestfriend kong si Nicole, ngayon ang unang araw ng pagpasok namin sa bago naming University as Freshmen and we both taking BS Nursing.
"Hey!" Tawag ko kay Nicole ng maabutan ko siya sa sala namin. At nakapameywang na parang nainip sa paghihintay sa akin.
Psh! Wala pa nga yata siyang ten minutes na naghihintay eh.
"Huwag mo akong ma- hey hey dyan. Ang bagal mong kumilos.!" Pagtataray niya. Napatawa naman ako.
"Excuse me, Ms. Kanazaki, mabilis lang akong kumilos dahil hindi po ako naglalagay ng kolorete sa mukha." Sabi ko saka inirapan siya.
Nagtaas kilay naman ito sa akin. "Oo nga naman, dahil po maganda ka na kahit simpleng bulbos at may likas na mapupulang labi. Ikaw na po perpekto.. Ms. Nadeshiko." Sarkastikong sabi niya pero natawa din naman. "Nakakainis ka kasi bakit ba ang ganda mo? Nakakainggit eh minsan nga nakakatomboy ka na rin."
Napatawa din ako. Madalas niyang sabihin 'yan sa akin. Pero panigurado naman akong hindi siya tibo. Binibiro lang niya ako dahil kung purihin ako niyan akala mo ako na ang pinakamagandang babaeng nakilala niya. Pero para sa akin mas gusto ko ang ganda niya.
Nakakaakit ang mga mata ni Nicole at lumabas talaga sa kanya ang pagiging haponesa. Well, parehas naman kaming may Japanese blood dahil pareho kaming may amang Hapon.
Our father were business partners in Japan since they were bachelors. And they travelled here in the Philippines and met our mothers. Then that's their lovestory goes on.
Kaya halos magkapatid na ang turingan namin ni Nicole dahil sanggol palang kami magkakilala na talaga kami.
Pareho din kaming sinilang sa Japan pero dito sa Pilipinas lumaki dahil hindi pumayag ang mga magulang ng nanay namin na hindi masilayan ang mga apo.
At dahil hindi naman maaring iwan ng mga ama namin ang kompanya nila sa Japan dumadalaw nalang sila once in a month to have sometime with us.
Nakatira din kami sa iisang village. Kaya lumaki na talaga kaming magkasama. Sabay din kaming nag-aral sa kindergarten.
But when it's about our age, matanda lang siya sa akin ng dalawang buwan.
"Kinakabahan ako sa bago nating University, Chloe." Sabi niya. Habang nakatutok sa cellphone niya. Nakasakay na kami ngayon sa service car namin na binili ng mga ama namin for security purposes.
"Bakit naman?! Huwag mong sabihing marami na namang multo?" Napakahilig niya kasing manood ng mga horror movies lalo na mga Japanese-horror movies. Kaya halos iapply na niya sa totoong buhay ang mga nakakatakot na pangyayari.
"Hindi, mas nakakatakot pa sa multo. Dahil buhay ito.." Nakakatakot pa sa multo?
"A serial killer?" I asked horrified. Shocks! Magpapa-transfer talaga agad ako kay Dad kung ganun.
"No. Not to that extent.." nakahinga ako ng maluwag. Buti naman..
"Ano nga?! Nakakaba pero hindi pumapatay, Anong meron sa WESTERNAL UNIVERSITY?" Tanong ko. Nagbabasa pala kasi siya ng infos about sa bago naming school.
Nakakainis dahil ngayon niya lang yan ginawa kung kailan aapak na ang paa namin maya-maya lang. Ang sabi kasi niya sa Dad niya maganda ang Westernal University dahil explicit ang rankings at my outstanding quality of education.
BINABASA MO ANG
The God of War Owning The Goddess of Beauty
RandomJAYLORD ZORALVA is known as the ruthless God of war, walang araw na hindi napapaaway. At dahil siya ang kilalang leader ng grupo siya ang tinuturing na pinakamalakas sa larangan ng pakikipaglaban at talaga namang magaling. Hindi pa siya napapataob s...