CHAPTER 2
THE GOD
GOD'S POV
MABILIS akong bumaba ng sasakyan ko at pabagsak na sinara ang pinto. Agad nag-init ang ulo ko nang makita kong may nakipag-unahan sa aking pumarada sa palaging pinagpaparadahan ng sasakyan ko.
This freaking idiot is driving me mad. Hindi niya ba alam na tatlong taon ko ng paradahan 'yon?!
Maangas na naglakad ako sa bulok na sasakyang nakaparada sa reserved parking ng sasakyan ko.
Kinalampag ko ng malakas ang pintuan ng driver seat. "You Fckng asshole, get out or I will smash your fckng cheap car's door!" Sigaw ko.
Mabilis na bumaba ang lalaking driver ng sasakyan at pagalit na binagsak ang pinto ng sasakyan niya.
I smirked as I saw him. Hmm.. this idiot is nothing!!
"ANONG PROBLEMA MO?!" Matapang na sigaw niya sa akin. Ginagalit talaga ako ng walang kwentang to!
At dahil wala akong balak mag-aksaya ng laway para sa mga walang kwentang tao. Mabilis kong pinalipad ang kamao ko at pinatama sa walang ipinagmamalaki niyang mukha.
Napaigik siya saka bumagsak sa sahig. Matalim na tumitig ito sa akin habang pinupunasan ang kanyang pumutok na labi.
"A-ano bang problema mo?!" Pagalit pa din ang sigaw niya pero ramdam ko na ang takot doon.
Psh! Duwag ang p*ta!
Akmang susuntukin kong muli ang lalaki nang may naunang sumuntok dito kaya napahinto ako.
"Pasalamat ka ako nalang ang sumuntok sa'yo kundi baka paglamayan ka na mamaya." Sabi ni Carbon sa lalaking nakahandusay sa sahig pero mukhang buhay pa naman.
Carbon is my.... f*cking bestfriend. Kasabwat ko sa lahat ng kagag*han ko sa buhay.
"Lord, unang araw natin sa Third year papatay ka kaagad?!" Sabi niya habang binubuksan ang sasakyan ng lalaking sinuntok namin. Matapos buksan ay binuhat niya ang lalaki at sinasakay sa loob ng sasakyan nito.
"Tsk.. that idiot! Took my reserved car parking space.!"
"Kahit na. Tignan mo," tinuro niya yung lalaki, "kung hindi ako dumating napatay mo na yan. Psh.. kalma lang.. Wala namang kwenta yan sasayangin mo pa buhay mo dyan. Sana inutos mo nalang sa mga bata natin. Tsk." Sabi niya saka sumakay sa sasakyan ng walang kwenta at minaneho ito paalis.
Bumalik naman ako sasakyan ko saka pinarada ito sa reserved space ko nang maialis ni Carbon ang bulok na sasakyan.
Nang makababa ako may kausap ng mga lalaki si Carbon, "Pakidala nalang sa clinic. Male- late na kami sa unang klase." Sabi niya sa mga kausap.
Well, we ruled this University, no one dares to challenge us. Lahat sila natatakot sa amin. Hindi naman kami basta-basta nanggugulo depende sa nakakaharap namin.
Tulad ng walang kwentang iyon. Ayaw ko sa lahat ay kinukuha ang akin. If already mine is mine. And that parking space is mine and he dares to park his cheap car.
"Ang aga ang init ng ulo mo. Tsk.."
"Carbon, you know me.." sabi ko habang sabay kaming naglalakad papasok sa University gate.
"Hay*p! Ang ganda talaga p're. Nung bagong freshmen."
"Oo usap-usap nga siya. Kaso parang kursonada ni President... mahirap makihati sa Warlords." Nadinig naming pinag-uusapan ng mga estudyante.
"Boss! Chief!" Bati nila ng dumaan kami. Hindi ko nalang sila pinansin.
"Lord, nadinig mo iyon di ba?" Tanong ni Carbon. Tskk. Pakialam ko naman..
BINABASA MO ANG
The God of War Owning The Goddess of Beauty
RandomJAYLORD ZORALVA is known as the ruthless God of war, walang araw na hindi napapaaway. At dahil siya ang kilalang leader ng grupo siya ang tinuturing na pinakamalakas sa larangan ng pakikipaglaban at talaga namang magaling. Hindi pa siya napapataob s...