CHAPTER 13
GODDESS' POV
"PRINCESS, TALK TO ME." It's Kuya RB, knocking at my room's door. Nagkulong kasi ako sa kwarto ko nang makauwi ako at ilang minuto lang kumakatok na siya.
Kanina gusto ko siyang kausapun pero ngayon parang ayaw ko na, naiinis ako sa kanila ni Jaylord.
Bakit pa nila kailangan magkasakitan.? Alam ko, at naiintindihan ko na may sama ng loob siya kay Jaylord pero bakit naman umabot sa point na halos mamamatay na yung tao. Pasalamat nalang talaga sa Diyos, he survived.
But at some point, naiinis din ako sa sarili ko dahil ako ang nag-utos kay Jaylord to say sorry. Pero hindi ko naman kasi alam na ganito pala ang forgiveness na gusto ng pinsan ko. At kung natuluyan si Jaylord, baka hindi na ako pinatulog ng konsensya ko.
"I hate you, kuya RB!!" I shouted and still not opening the door.
"I'm so sorry, princess." He sincerely said. I felt his voice, it's so true. "Yeah, I was so eager to end his life but ----"
"Really, kuya?! You're a murderer now?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Let me in, I'll tell you something." He snorted.
At gusto ko rin malaman ang lahat at makausap siya ay tumayo ako saka pinagbuksan siya ng pinto.
Nang makapasok siya ay agad siyang nagkwento. Shocked was written all over my face as I heard what he said.
"Just like Jaylord, I am a leader of a notorious gang, named STALLIONS. At tulad niya, kasama na rin sa buhay ko ang masangkot sa mga gulo at hindi na rin maiiwasan na makapatay ng tao." pagkukwento niya.
I suddenly cover my mouth in disbelief. I mean, their gangs are not just a simple gang. It's kind of some like a mafia. Halos wala na ding pinagkaiba kung pumapatay din naman pala. Buong akala ko simple pagbabasagan lang ng mukha.
"Kuya, kailan pa? I mean, kailan ka pa nainvolve.? Did tito and tita knew about this?" Sunod-sunod na tanong ko.
Pinaupo niya ako sa kama ko at tumabi siya sa akin bago isa-isang sinagot ang tanong ko. Kasabay na din ng pagkwento niya sa akin ng lahat.
NANG maggabi na umalis si kuya RB dahil may kailangan siyang asikasuhin at may kinalaman daw iyon sa grupo niya. Hindi niya na dinetalye ang gagawin dahil hindi ko na daw kailangang malaman pa.
Ngayon malinaw na sa akin kung bakit naging madalang na ang pagpunta niya dito. At naiintindihan ko na rin kung bakit niya ito ginawa. Pero kahit ganun ay nag-aalala pa rin ako para sa kaligtasan niya.
At pinaalalahanan din niya akong magdoble ingat dahil marami siya at sila Jaylord na kalaban na grupong maaari akong gamitin laban sa kanila. Dapat daw akong maging mapagmatyag dahil hindi pa kilala ang iba at madalas daw na nagpapanggap na mabuting tao ang mga demonyong iyon.
Nang mga sandaling iyon naisip kong kailangan kong matutong iligtas ang sarili ko. Pwede kaya akong magpaturo kay kuya RB? Naku?! Mukhang malabo.. ni ayaw nga akong paghawakin nun ng laruan baril at espada.
Masyado kasing mapride dahil ayon sa kanya, siya ang sundalong poprotekta sa akin.
Ahmm.. kay Jaylord kaya?? Tama! Pwede siguro.. try ko. Maybe after ng basketball game. Bukas kasi busy na ako para sa paghahanda dahil kailangan ko lang naman pag-aralan maigi ang strengths ng University.
Dahil ang isang goal pala ng muse ay makahatak ng mga new transferees. So kailangan kong manghikayat ng mga new students to enroll in our University. That's one of the reason why they're choosing the best student to the job.
BINABASA MO ANG
The God of War Owning The Goddess of Beauty
RandomJAYLORD ZORALVA is known as the ruthless God of war, walang araw na hindi napapaaway. At dahil siya ang kilalang leader ng grupo siya ang tinuturing na pinakamalakas sa larangan ng pakikipaglaban at talaga namang magaling. Hindi pa siya napapataob s...