CHAPTER 26

255 12 0
                                    

CHAPTER 26

"SHOCKS!! ANONG gagawin ko, Nicole?!" Naguguluhang tanong ko sa best friend ko at kasalukuyan, kaming nasa isang fastfood chain, sa loob ng mall.

Naiinis ako sa sarili ko dahil kanina ko lang nalaman, mula kay Carbon, na bukas pala ay birthday ni Jaylord. Napaka-walang kwenta kong girlfriend para hindi alamin ang mga simpleng bagay na iyon mula sa kanya.

Hindi ko manlang naisip na itanong o alamin manlang sa sarili kong paraan. Tapos kaninang tumambay kami sa greenhouse kasama ang mga Warlords, saka lang ako inusisa ni Carbon kung alam ko bang birthday ni Jaylord bukas.

Syempre, sabi ko di ko alam kaya no plans. But what he said about Jaylord's past birthdays made me sad. Sad to the point, na gusto kong maging masaya naman siya ngayon.

As what Carbon said, simula daw ng mamatay ang Daddy niya hindi na daw ito nagce-celebrate ng birthday like it was not special to him at all.

So as for me, a person with high positivity about birthdays, I don't want him to think about his birthdays that way. Dapat maging espesyal 'yon kasi once a year lang iyon nangyayari. At mahalagang araw iyon para sa isang tao, that's my perspective about birthdays.

Kaya heto ako ngayon, nawiwindang dahil may ilang oras nalang ako para gumawa ng surprise party para sa kanya. At alam kong hindi ko na magagawa ang tulad ng ginawa niya sa birthday ko dahil gahol na ako sa oras.

At talagang inaway-away ko pa si Jaylord kanina para lang huwag ng sumama sa amin ni Nicole. Dahil nga gagawa ako ng surprise party niya. At hindi ko iyon magagawa kung nakabuntot siya sa amin.

Kaya para akong tangang, magsu-surprise pagkatapos siyang awayin ng awayin kanina. Tapos nakonsensya pa ako dahil siya pa ang nagso-sorry sa akin at nagmamakaawa sa text, na hindi ko naman nire-replyan. Yes napaka-harsh ko pero kailangan eh.

Malamang anong ire-reply ko? Wala naman siyang kasalanan, basta ko lang inaway para lumayo muna sa akin. Saka kapag sinabi ko naman na pinatawad ko na siya, edi bubuntot na naman siya. Anong sense ng away-away ko?! Kaya hindi ko nalang nire-replyan.

Kumagat muna siya sa burger na inorder niya saka tumingin sa relong pambisig. "Chloe, pasado alas kwatro na, ilang oras nalang. Birthday na ng tao. Simple dinner date nalang kaya?" Suhestyon ni Nicole. Napakunot ang noo ko saka umiling.

"Hindi pwede, sobrang normal na iyon sa amin. Nakailang dinner date na ba kami buhat ng maging kami? Hindi magiging espesyal." Napabuntong hininga ako, "Gusto ko maging espesyal ang araw niya, bukas. I may be his girlfriend for some reason, and because my Jaylord was a bit broken person."

Tahimik lang na nakikinig si Nicole sa akin nang sabihin kong malungkot ang buhay ni Jaylord. Though, hindi ko kinuwento ng buo. Because it's not my story to tell, it may affect Jaylord's privacy.

Gusto ko lang malaman niya kung bakit ako nagde-demand na mabigyan ang boyfriend ko ng espesyal na kaarawan.

"Hmm.. is that it? Ang kaso nga gahol na sa oras para mag-asikaso ng surprise party." Anya saka lumagok ng pineapple juice.

Muli akong bumalik sa pag-iisip ng pwedeng gawin. Kung usapang surprise lang naman kasi, Jaylord did so many surprise for me. He never failed to surprise me in our monthsaries or even in just my simple achievements.

Tapos ako ngayon lang gagawa ng surprise mukhang papalpak pa dahil hindi ko alam kung anong gagawin.

"Nakakainis!" Bulalas ko nang ilang minuto na wala paring ideya na pumapasok sa isip ko. "Wala rin kasing ibang lugar na pwede ko siyang dalhin dahil Biyernes bukas. May klase pa kami."

The God of War Owning The Goddess of BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon