Chapter 30

253 14 4
                                    

CHAPTER 30

MEGAMI

"HE'S AN EVIL. I don't want you to be hurt by him."

That's what she said. Worriness crossed her eyes while staring at me.

After I saw her face. I was so shocked and I made a noise. Napatingin sila sa pinanggalingan ng ingay at doon nila ako nakita dahil nataranta na ako at hindi na nagawa pang makapagtagong muli.

Nanlaki ang mga mata nila ni Manang Cecelia pero ang kinagulat ko ay hindi sila nagalit at tinulungan pa akong makatayo. Inaya niya ako pabalik sa kwarto at sinabing doon kami mag-uusap.

Punong puno ng katanungan ang isip ko kung bakit niya ito ginagawa. At kung bakit kailangang umabot sa ganito.

"No. He already changed and I won't believe you until ---"

"Until he got you hurt and dispose you after he get what he wanted from you?" Pinanliitan niya ako ng mata at tumitig. "Megami, hindi mo deserve ang isang tulad ni Jaylord. Masyado siyang masama para sa isang anghel na kagaya mo." Umiling ako sa kanya.

Hindi ako maniniwala sa kanya. At kung ano man ang nakaraan niya o nila ni Jaylord labas na ako roon dahil tapos na iyon. Tinanggap ko si Jaylord ng buo kasama ang nakaraan niya at ang mga kamalian niya.

Magiging unfair kay Jaylord kung ganun ako sa kanya. Lalo pa't wala naman ginagawang masama sa akin si Jaylord dahil puro pagmamahal ang pinapakita niya.

"Hindi ako lolokohin ng boyfriend ko. At naniniwala akong mahal niya ako." Pinagtaasan ko siya ng boses dahil naiinis akong ginagamit niya ako ngayon para gumanti sa sarili kong kasintahan.

"Iuwi mo na ako. Kung talagang nag-aalala ka para sa akin. Hindi mo sana ako dinala dito at ikinulong. I hate you for using me for your own selfish revenge."

Tumayo ako at akmang lalabas na ng kwarto nang may sinabi siyang nakapagpatahimik sa akin.

"Kung hindi mo siya hihiwalayan sinisiguro ko sa'yongy ikaw ang hihiwalayan niya. At mas magiging masakit iyon dahil paiibigin ka lang niya ng sobra para hindi mo makakaya ang sakit. At matutulad ka rin sa akin.. sa amin ng mga babaeng ginamit niya lang." Pinipilit kong winawaksi ang isip ko sa sinasabi niya.

Hindi dapat akong magpadala sa pandudumi niya sa isip ko kay Jaylord. "Kahit kailan hindi magmamahal ng totoo ang isang Jaylord Zoralva dahil malaki ang hinanakit niya sa mga babae dahil sa ginawa ng mismong nagluwal sa kanya.!" Malakas na sigaw niya pa

Malakas kong namang binagsak ang pinto ng kwarto at lumabas para makalayo sa kanya. Ayaw ko nang makarinig nang kahit ano pang sasabihin niya.

Masyado lang siguro siyang nasaktan sa naging nakaraan nila ni Jaylord kaya siya ganito ka-miserable. At kailangan ko ring makausap si Jaylord tungkol sa bagay na ito. Dahil kailangan niyang ayusin ang lahat ng ito dahil paulit-ulit lang kaming guguluhin ng mga nakaraan niya.

Nang makalma ko ang sarili ko bumalik ako sa loob ng bahay at nakita ko siyang nakaupo sa sofa at nagbabasa ng magazine.

"Ibalik mo na ako sa pamilya ko." Mahina ngunit malamig na saad ko.

"Someone will come and get you." Napataas ang kilay ko.

"Si kuya RB ba? May komunikasyon pa kayo ng pinsan ko? Alam niya bang ikaw ang kumuha sa akin?" Hindi ko maintindihan kung bakit naging ganun ang tono ko.

"No. Brandon despised me so much. And he will despise me even more now that I took away his beloved cousin." Nakita ko ang paglungkot ng mukha niya habang naaalala ang pinsan ko.

The God of War Owning The Goddess of BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon