CHAPTER 6
GOD'S POV
"BOSS, scheduled na ang gang duel next week, sa bakanteng lote sa Maldives St. Fifteen members lang daw per gang kasama na leader." Imporma ni Troy.
Nandito kami ngayon sa Headquarters ng Warlords at magme-meeting.
"Magsama kayo ng tag-aapat sa grupo nyo. Yung maasahan, huwag yung mga lampa." Utos ko.
Nagtinginan naman ang tatlo, bago tumingin sa akin. "Tag-aapat kasama kami bali lima? Bawat grupo ganun ba, Lord?" Tanong ng kinulang sa utak na si Carbon.
"Tsk. Oo, di ka ba marunong magbilang? Pagsama-samahin mo kinse na kayo." Sabi ko.
"Ikaw, hindi ka ba sasama?" Tanong ulit niya.
"Tanga! Edi sixteen na tayo nun. Nagmukha pang duwag ang grupo natin dahil 15vs16 labanan. Tsk!" Sigaw ko kay Carbon. "Minsan gumamit ng utak, Carbon!"
"Taena! Alam ko. Kaso baka hanapin ka nung lider." Paliwanag niya.
Nakakunot-noo ko siyang tinignan. "Tsk.! Walang bantay si Megami. Kapag sumama ako." Sagot ko.
Hindi na nakasagot ang tatlo. Hindi naman na din lingid sa kaalaman nila ang nangyayari.
Hindi ako papayag na mapahamak siya. Sa ilang linggo kong kakasama sa kanya. Pinag-iinitan na siya ng mga kalaban naming grupo. Dahil iniisip nilang magagamit nilang alas ang dalaga sa akin.
Palihim ko siyang sinusundan sa labas ng University at hindi lang ilang g*go ang nabugbog ko na sumusunod at umaaligid sa kanya.
Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil hinayaan ko siyang maugnay sa akin. Hindi ko naisip na malalagay ko siya sa panganib. Pero hindi ko alam kung bakit gusto kong akin lang siya. Hindi ko na siya kayang pakawalan pa simula ng makita ko siya noon sa likod ng library.
"Perks of being God of war. Bawal magkaroon ng girlfriend." Vince said while texting on his phone.
"Hindi na yan naisip ni Jaylord, puro Megami nalang laman ng utak eh." Gatol ni Carbon.
"That's why I need to be with her, 24/7." Sabi ko saka kinuha ang cellphone ko saka tumitig sa wallpaper picture.
My Goddess.. I will protect you no matter what happens.
"Sige ako nalang muna lider." Sabi ni Carbon. Hindi naman tumanggi ang dalawa.
Pinagplanuhan namin ang gang duel at inisa-isa ang mga profile mula sa lider nilang si Brandon Guevarra at mga galamay nito.
"Malakas din pala ampotah!" Sabi ni Carbon. Maganda ang record nya according to Troy's gathered information.
"Pero walang-wala 'yan sa muscles ko." Pagyayabang ni Carbon.
Nang matapos kaming magmeeting nagkanya-kanya na kami ng uwi dahil may pasok pa kinabukasan.
NICOLE'S POV
MAG-ISA akong naglalakad papunta sa Greenhouse dahil simula ng makilala ni Megami ang God of war na si Jaylord Zoralva, lagi na siyang sinusundo ng binata sa classroom at yayaing kumain sa greenhouse. Kaya hindi ko na siya nakakasabay.
Pero nang sumunod na linggo pinasundo ako ni Megami sa isa sa mga kaibigan ni Jaylord.
Carbon dioxide, ang pangalan. Grabe napakahangin kausap akala mo kung sinong gwapo. Literal na hangin na nga ang pangalan pati ba naman ugali. Well, gwapo naman talaga pero lamang sa kanya ang kayabangan.
At simula ng araw na iyon. Sinabihan ako ni Jaylord na doon na din kumain. As if naman di ko alam na request lang iyon ni Megami.
Ramdam ko kung gaano siya ka-clingy kay Megami. Gusto niya siya lang halos kakausapin ng bestfriend ko. Medyo nagtatampo ako pero ayaw ko namang makipag-away kay Jaylord. Kung gusto niya ang atensyon ng anghel kong bestfriend, okay lang basta huwag lang niya akong pagbawalan na makasama ito.
BINABASA MO ANG
The God of War Owning The Goddess of Beauty
AcakJAYLORD ZORALVA is known as the ruthless God of war, walang araw na hindi napapaaway. At dahil siya ang kilalang leader ng grupo siya ang tinuturing na pinakamalakas sa larangan ng pakikipaglaban at talaga namang magaling. Hindi pa siya napapataob s...