Corona's pov
"Smith?"
Nilingon ako ni Smith. Andito kami sa kusina at nakikitikim ako ng niluluto nya.
"Wala." Napailing na lang ako at ngumiti.
"You look bothered."
Napanguso ako sa sinabi ni Smith."Hindi ko lang alam kung paano pagkakasyahin lahat ng nalalaman ko sa maliit kong utak."
"Hindi mo pwedeng piliting ipagsisikan ang lahat ng bagay kung hindi na mo na kayang tanggapin. Ikaw lang din ang mahihirapan."
Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Smith.
"Pwede ba akong magtanong?" hindi sumagot si Smith. Nakatalikod ito sa akin at naghahalo ng niluluto.
Silence means yes.
"Masaya ka ba?" nakahalumbaba kong tanong kay Smith.
Nakita ko ang pagtigil ng kamay ni Smith sa paghahalo. Humarap ito sa akin.
"Ikaw? Masaya ka ba?"
Tumango ako sa tanong nya. "Masaya ako syempre. Ang kaso nga lang may nagpapagulo ng isip ko kaya ngayon napapaisip na ako kung masaya pa ba ako."
"What is it?"
"Yang magaling mong amo. Masyado syang magulo. At pati ako naguguluhan na din. Ang gulo di ba?"
Hindi ko alam pero parang nakita kong natawa si Smith sa sinabi ko. Pero ngayon seryoso na agad ang hitsura nya.
"Gumugulo lang ang mga bagay kapag may hindi ka naiintindihan. Try to understand things and you'll realize everything is just fine."
Napaisip ako sa sinabi ni Smith. May punto naman sya.
Kailangan ko lang sigurong intindihin ang mga bagay-bagay. Kailangan ko lang intindihin kung bakit? Kung bakit sya ganon.
"Sa tingin mo ba papayagan nya ulit akong pumasok ng school bukas."
Nagiba ang hitsura ni Smith saka ako tinalikuran.
"No. He won't."
Natigil ako sa paghinga ng biglang may magsalita sa likuran ko. Napangiwi ako at nakagat ang labi ko.
"Haayyy." Kunwari ay naghikab ako. "Inaantok na ako. Mauuna na ako sa inyo." Sabi ko at mabilis na nilagpasan si Uno.
"You are too obvious that you're avoiding me."
Nakagat ko ang labi ko ng sabihin iyon ni Uno.
"Hindi ako umiiwas."
"Really? Why acting strange?"
"Nag-iisip lang ako ng pwedeng gawin bukas. Mabubulok na naman kasi ako dito sa bahay."
Hindi ko na hinintay ang sagot ni Uno at mabilis na umakyat ng kwarto.
Habol-habol ko ang hininga ko ng makarating ako ng kwarto. Nakalimutan ko na naman huminga. Kainis.
Napabuntong hininga na naman ako.
Tinopak na naman si Uno. Bawal na naman akong lumabas. Lulumutin na naman ako dito.
Ang walang pusong iyon.
"Rawr."
Nakanguso akong tumingin kay Fang na kakapasok lamang ng kwarto.
"Oo. Tinotopak na naman si Uno. Ayaw na naman akong palabasin ng bahay."
"Rawr."
Niyakap ko si Fang dahil napakalambing nya. Buti na lang hindi pa sya nahahawa sa kasungitan nila Smith at Uno.
BINABASA MO ANG
Fall Play
Teen FictionHelping the wrong person. Protecting the wrong one. Playing their games. Falling little by little. The man who has everything will met the woman who has nothing. And it all started by playing the game called Fall Play. *** Sino kayang mananalo sa si...