Corona's pov"Bakit ba ganun yang amo nyo? Napakaikli ng pasensya. Ang hirap pa kausap." Nakanguso kong tanong kay Smith habang nakaupo ako sa sofa at magkakrus ang braso.
Saglit lang akong tinapunan ng tingin ni Smith at diretso na ulit ang tingin na para lang akong isang hangin. Napabuntong hininga na lang ako.
Ano bang nagawa ko para parusahan ako ng ganito? Hayst.
Iniikot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Parang nagliwanag ang mundo ko ng makita ko aking selpon na nakapatong sa gilid ng inuupuan kong sofa. Mabilis ko itong kinuha pero gumuho ang mundo ko ng makitang patay na ito at hindi na mabuhay. Lowbat.Muntik ko nang maibato ang selpon ko. Buti na lang naalala ko na wala akong pera pambili ng pamalit kaya dahan dahan ko itong ibinaba sa mesa sa tapat ko.
I'm hopeless.
Napahawak ako sa tyan ko ng maramdaman na kumulo ito.
Dapat pala kumain na ako kanina para hindi sya nagalit. Knowing him, siguradong hindi nya ako papakainin. Hayyyy.
Titiisin ko na lang ang gutom ko. Lilipas din 'to."Stop testing Uno's patience. He easily loose his patience so better obey him. Do what he say."
Nangunot ang noo ko ng marinig ang sinabi ni Smith. Kunot noo ko syang nilingon sa tabi ko na nakatayo pa rin at deretso ang tingin.
"Pasensya na pero hindi ako basta basta sumusunod sa utos na hindi ko naman gusto. At wala akong pakialam sa pasensya ng amo mo. Ang gusto ko ay makaalis na ako dito at bumalik na sa bahay ko dahil malamang sa malamang ay nag aalala na ang kaibigan ko sa akin."
Hindi man lang ako nilingon ni Smith. Parang wala syang narinig. Napabuntong hininga na lang ako. Gutom na talaga ako.
Panay ang himas ko sa tyan ko ng bumukas ang pintuan ng kwarto kaya napalingon ako at nakita kong pumasok sya. Napangiti tuloy ako ng lumapit sya sa akin."Nakakain ka ba ng maayos Fang?" tanong ko rito. Nahiga lang naman ito sa paanan ko saka ikiniskis ang ulo sa binti ko. Naghikab pa ito. Natawa tuloy ako. Mukhang busog na si Fang sana ol.
Gutom na talaga ako pero alam kong kahit humingi ako ng pagkain kay Smith ay hindi nya ako bibigyan dahil masyado syang loyal sa amo nya. Hihintayin ko na lang ang walang pusong si Uno para sa kanya mismo humingi ng pagkain.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako dahil sa paghihintay ko kay Uno.Naalimpungatan lang ako ng maramdaman ang malamig na hangin na tumatama sa mukha ko. Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at nasapo ko ang dibdib ko ng mapansin kung nasaan ako. Nanlaki ang mga mata ko.
T-Teka. Paano ako napunta dito?
Umihip na naman ang hangin kaya napapikit ako ng mariin ng muntik na akong mahulog.
Please naman mga paa ko. Makisama ka naman kahit ngayon lang. Wag mo akong ipahamak.
Sumilip ako sa ibaba at nakita ang walang pusong lalaking iyon na pinapanood ako.nasa tabi nya si Smith. Nagtama ang mga mata namin at nakita kong naaaliw sya sa panonood sa akin.
Arghhhhh. Bwisit ka Uno. Ano na naman ba 'to? Ano na naman bang trip mo at dinala mo ako dito sa bubong ng bahay mo? Bwisit ka! Walang puso!
Gusto ko yang isigaw sa mukha nya pero kinakabahan na talaga ako dahil baka mas madali ang buhay ko kapag iniutos nya na itulak ako mula dito. Sa taas ng kinatatayuan ko ay siguradong lusag lusag ang katawan ko oras na mahulog ako rito.
"Paano ba ako baba dito?" kabado kong tanong kay Uno na mukhang walang balak na tulungan ako. Syempre. Malamang sa malamang ay sya ang nagutos na dalhin ako rito.
BINABASA MO ANG
Fall Play
Teen FictionHelping the wrong person. Protecting the wrong one. Playing their games. Falling little by little. The man who has everything will met the woman who has nothing. And it all started by playing the game called Fall Play. *** Sino kayang mananalo sa si...