chapter 22

46 3 0
                                    

"Woah. Woah. Woah. Kayo na ba?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Mike.

"Is there something wrong with that?" seryosong tanong ni Uno.

Siniko ko tuloy sya. Kadadating lang namin ng university at hindi nya hinayaan na bumitaw ako sa braso nya. Ang dami tuloy pasimpleng tumitingin sa amin. At ngayon nadatnan pa namin sila dito sa private room. Haist.

"Ano bang sinasabi mo dyan?" bulong ko.

"Oyyy. Ano yan? Sinesekreto nyo ang relasyon nyo?" tanong na naman ni Mike. Napakakulit nya.

"Shut up, Mike." Seryosong sabi ni Uno.

Ngumuso si Mike at naupo na.

Bumitaw na ako sa braso ni Uno at naupo sa tabi ni Mike.

"Kayo na ba?"

Natawa na ako sa tanong ni Mike. Masyado syang pa-issue.

Nagulat ako ng bigla akong higitin patayo ni Uno.

"Sit there." Sabi ni Uno at itinuro ang upuan na para lang sa kanya.

Aapela pa sana ako pero masyado syang seryoso kaya naupo na ako sa upuan nya. Si Uno ang naupo sa inupuan ko kanina sa tabi ni Mike kaya tensionado ngayon si Mike.

Iniikot ko ang paningin ko at may isang tao ang kulang sa kwartong ito. Napabuntong hininga tuloy ako.

"You look fine now. Mukhang magaling ang doctor mo." Puna sa akin ni Clark.

Napatingin ako sa kanya tapos ay kay Uno na nakatingin din pala sa akin. Binalik ko ang tingin kay Clark at saka ako tumango.

"Masyadong strikto ang doktor ko." Nakanguso kong sagot.

Natawa si Clark. Nakangisi naman si Jade. Habang si James ay walang pakialam dahil nakatitig lang sa phone nya. Gustong tumawa ni Mike pero natatakot sa katabi nya na masama na ang mukha. Tinamaan siguro sa sinabi ko.

"Anong meron sa labas?" tanong ko. Ang dami kasing tao na nagkakabit ng mga banderitas at parang may fiesta sa dami ng tao.

"May school festival kami bukas." sagot ni Clark.

Nanlaki ang mata ko.

"Talaga?"

"Yeap. Masaya yun, Corona. Madaming games, pageants, at marami pang events. Mag-eenjoy ka." Biglang sabi ni Mike.

Sinamaan tuloy sya ng tingin ni Uno kaya tinikom nya ang bibig nya.

Tinignan ko si Uno para magpaalam kung pede bukas pumunta ulit dito pero binigyan nya lang ako ng blankong tingin. Napasimangot tuloy ako.

"Wews. P.E. time na. Nice."sabi ni Jade.

Nakita ko naman ang pagganda ng mood ng lahat. Ano kayang gagawin nila sa P.E.? Zumba? Cheerdance? Mukhang excited sila ah.

Nagsitayuan na sila kaya tumayo rin ako. Gusto ko manood.

"Where do you think you're going?"

Napangiwi ako sa tanong ni Uno.

Napatingin sa akin sila Clark.

"Gusto kong manood ng P.E. nila."

"You are not going anywhere."

Nalabi ako sa sagot nya. Nagpapaawa ako sa kanya.

Ilang saglit pa ang bumuntong hininga sya. Napangiti tuloy ako.

Gulat akong tinignan ng mga tao rito. Hindi makapaniwala.

"Ano pang ginagawa nyo dyan? Tara na." Sabi ko at nauna na sa pintuan.

Fall PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon