chapter 28

49 3 0
                                    

Corona's pov

"Hahahaha You're so cute Vas."

Namula ako sa sinabi nya. Ethan Villanueva. My bestfriend, my first love and now, my fiance.

Huminga ako ng malalim dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Andito kami sa labas ng venue kung saan ginanap ang engagement party namin.

Hindi pa naman kami agad-agad ikakasal pero this is what our parents wanted kaya pinagbigyan na namin.

Ethan is a very kind and handsome guy. Kaya naman hindi sya mahirap mahalin. Kaya bata pa lang kami sya na ang gusto kong makasama.

"I love you, Vas."

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi nya.

"I love you, too."

Ngumiti sya sa akin at niyakap ako.

"I wanted to tell you something."

Tumingala ako para tingnan sya. "What is it?"

"Ahm. Ililipat ako nila Dad ng school."

Nangunot ang noo ko. "Saang school?"

"Black University."

Napaisip ako. Black University? Nanlaki ang mata ko. Di ba school yun ng mga mafia?

"Sasama ako sayo."

Natawa sya sa sinabi ko. "I know ayaw mong naiinvolve sa mga ganito. Gusto ni Dad na doon ako mag-aral for business at para mas maging malakas ako para mas maprotektahan kita."

"Pero-"

"I promise. Bibisitahin kita lagi. Pwede ring ihatid kita at sunduin araw-araw."

"Mapapagod ka kung ganon. Malayo ang school ko sa magiging school mo."

"Hindi ako mapapagod basta ikaw."

Lumayo ako sa kanya. "Siguradong madaming babaeng magkakagusto sayo. Baka makalimutan mo ako dahil sa kanila." Nakasimangot kong sabi.

Natawa sya sa sinabi ko. "Ikaw lang ang mahal ko, Vas. Wala akong pakialam kahit madaming babaeng magkagusto sa akin. Ikaw lang ang gusto ko. Alam mong nag-iisa ka sa puso ko."

Napangiti ako sa sinabi nya. Napakaswerte ko talaga kay Ethan.

Lumipas ang mga araw at buwan. Tuluyan na ngang lumipat ng ibang school si Ethan. Binibisita naman nya ako sa bahay tuwing weekends at talagang gumagawa ng oras para sa akin.

"Nakilala ko ang hari ng mga mafia, Vas."

"Really? How does she looks like? An old man with long beared?" natatawa kong tanong.

He chuckled. "Nope. Kasing edaran lang natin sya and he's handsome."

Nagulat ako sa sinabi nya. "Really? How come na ang isang taong kasing edad natin ay magiging hari ng mafia. Hindi kaya pinaprank lang nya ang lahat?"

"I don't think so. Tingin pa lang nya nakakamatay nya. Sa tingin ko sobrang lakas nya and I heared he's also smart. I can't even stand looking at him even from afar."

Hmmmm. Ganun sya kalakas?

"Gusto kong maging kasing lakas ng King, Vas. Para maprotektahan kita at hindi ka masaktan ng kahit sino."

Napangiti ako sa sinabi nya. Napakasweet nya talaga.

We started eating our ice cream again.

Fall PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon