chapter 17

44 3 0
                                    

"Don't worry. He won't find you."

Tumango tango ako sa sinabi nya.

Ayokong mag-alala pero hindi ko maiwasan.

"Wanna go on a date bago tayo dumeretso sa bago mong bahay?" nakangiting tanong nya at saglit akong nilingon dahil nagmamaneho sya.

Napangiti na rin ako dahil sa mga ngiti nya.

"Where do you want to have our date?"

Napaisip ako sa tanong nya. Nakatingin lang ako sa kanya habang sya ay sa daan ang tingin.

"Ikaw ang bahala."

"Roger that."

Natawa ako sa naging sagot nya. "Joseph?"

"Hmmm?"

"Alam mong gusto kita hindi ba?"

Nakangiti nya akong nilingon. "Talaga? Gusto mo ako?" maangmaangan nya.

"Aish. Ikaw talaga."

Natawa sya. "Oh tapos? Ano naman kung alam kong gusto mo ako?"

"Wala lang. Gusto ko lang malaman." Sagot ko at humarap na sa may bintana.

Nakarating na kami ng bahay at hindi ko na nakita si Uno.

Napabuntong hininga na lang ako habang nasa may balkonahe.

"Pst."

Naiikot ko ang paningin ko ng makarinig ng sitsit.

"Hey! There!"

"Joseph?"

Nagulat ako ng bigla na lang bumaba si Joseph mula sa itaas. Nakangiti ito sa akin.

"Shhhh. Wag kang maingay. I found a way to get you out of here. Come on let's go." Sabi nito at inilahad sa akin ang kamay.

Natigilan ako saglit.

"You can't hide from me Corona." Bigla ko na lang iyong naalala.

"Yes. I just want to waste time."

"Well I kidnapped you so I need to entertain you."

"Hindi ikaw ang magiging dahilan ng pagbagsak ko. Hindi ang isang tulad mo na walang kahit na ano."

Naipilig ko ang ulo ko ng maalala ko na naman ang mga salitang iyon.

Inabot ko ang kamay nya kaya mas napangiti sya.

Nang may bigla akong naalala.

"Saglit lang. May kukunin lang ako sa loob."

"Woah. Enchanted Kingdom?"

Nakangiting tumango si Joseph. "Madaming tao rito so this is the perfect place to date para hindi ka nya makita."

Pinigilan kong ngumiti ng biglang hawakan ni Joseph ang kamay ko pero hindi ko na napigilan ang ang mangiti.

"Hindi ko hahayaang bumitaw ang mga kamay natin." Sabi nya at pinisil ang pisngi ko.

Nakangiti akong tumango kay Joseph.

Nagsimula na kaming maglakad at hindi ko alam kung saan ang punta namin dahil sa mga kamay na naman namin ako nakafocus.

"Where do you want to ride first?"

Napangisi ako sa tanong nya.

EXTREME RIDES.

Nakahawak na sa tuhod si Joseph matapos naming sumakay ng panglimang rides.

Fall PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon