chapter 30

55 3 0
                                    

Vasilissa's pov.

"Hey. Magbihis ka na. Magdidinner na tayo." Sabi ni Kuya Primo ng makapasok sa kwarto ko.

Saglit ko syang tinignan at saka ipinagpatuloy ang pagpipinta.

"Come on. Mamaya mo na lang yan tapusin. Dad is waiting for you downstairs." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

"Nandito na sila dad?" binitiwan ko agad ang hawak ko paint brush at tatakbo na sana palabas ng kwarto ng higitin ako ni kuya pabalik.

"Change first." Utos nya with matching serious face.

Nakanguso ako pumasok ng banyo para maligo at magpalit ng damit.

Paglabas ko ng banyo ay nakita kong titig na titig si Kuya sa painting ko.

"Baka matunaw yan." Biro ko.

Nilingon nya ako at ilang segundo na pinakatitigan na parang sinusuri ako saka ako nginitian.

"Why are you suddenly acting like that, Kuya? Is there something wrong?"

"What?" kunot-noo nyang tanong.

Nagkibit balikat na lang ako saka sya nilagpasan. Tutuyuin ko pa kasi ang buhok ko.

Naupo na ako sa harap ng salamin saka kinuha ang blower.

"Why do you love kadupul flower?" tanong ni kuya.

Mula sa salamin ay tinignan ko sya ng nakataas ang kilay. Naglalakad na ito palapit sa akin.

"Wala lang."

Tumigil ito ng nasa likuran ko na sya.

"Wala lang." Ulit nya sa sinabi ko. "Nothing."

Psh. Ano bang meron? He's suddenly acting strange.

"Nauntog ka ba kung saan at naalog yang utak mo kaya ka umaarte ng ganyan ha? Kuya?"

Umiling ito saka mabilis na kinuha mula sa akin ang blower at sinimulang tuyuin ang buhok ko. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko ng maalala ko si-

Ipinilig ko ang ulo ko.

Haist. Leave everything behind, Vas.

Forget.

Don't look back.

Walk forward.

Hinayaan ko na syang tuyuin ang buhok at nang matapos ay nginitian ko sya mula sa salamin.

"Bilisan mong mag-ayos okay? Hihintayin ka na lang namin ni dad sa baba."

Tumango ako.

Lumabas na si Kuya ng pintuan at napabuntong hininga na lang ako. Haist.

Bwisit ka Joseph. Bwisit ka talaga. Dapat hindi mo na lang ako kinausap. Dapat hinayaan mo na lang akong paniwalaan ang gusto kong paniwalaan.

Matapos mag-ayos ay bumaba na ako. Mabilis akong yumakap kay dad ng makita ko sya.

"Hello, my little queen. I miss you." Malambing na sabi ni dad habang tinatapik ang likuran ko.

"I missed you too dad."

Lumayo na ako kay dad at ngumiti dito ng matamis.

"How are you, Lissa?"

"I'm fine dad. Binabantayan ako palagi ni Kuya."

Tumango tango si dad.

"Where's mom?" tanong ko at luminga-linga.

"Ahm. Nagpaiwan sa Russia. Something came up pero baka mamaya ay nandito na rin sya."

Fall PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon