chapter 32

57 3 0
                                    

Vasilissa's pov.

"Sweetie."

Dahan-dahan kong nilingon si mom na kakapasok lamang ng kwarto at may bitbit na tray. Nakangiti ito sa akin.

"Magmeryenda ka muna."

"Saglit lang, mom. Tatapusin ko lang ito." Sagot ko at ipinagpatuloy ang pagpipinta.

"Barcelona church?"

Natigilan ako sa sinabi ni mom. Hindi ko napansin na simbahan na pala sa Barcelona ang ipinipinta ko. Hinhayaan ko lang kasi ang kamay ko ang syang magdikta ng ipipinta nito.

"Basílica de la Sagrada Família" mom whispered.

Ibinaba ko na ang hawak kong paint brush at saka tumayo.

"I thought you're going to finish it?"

"Mamaya na lang mom. Nagutom ako bigla." Sagot ko ay naupo sa sofa.sumunod naman sa akin si mom.

"Lissa?"

"Mmmm?" tumingin ako kay mom habang kumakain ng sandwich.

"I know you're up to something. You are keeping secrets from me." Nagtatampong sabi ni mom.

Tumigil ako sa pagnguya at ibinaba ang hawak na sandwich.

"I know ilang taon din tayong hindi nagkahiwalay at hindi ko man lang alam ang pinagdaanan mo ng mga panahon na iyon kaya gusto kong maging totoo ka sa akin. Magsabi ka lang ng problema mo at tutulungan ka ni mommy... dadamayan ka ni mommy."

Nakagat ko ang labi ko sa sinabi ni mom.

"Kaya ko na 'to mom. But I'll tell you kapag kailangan ko na ng tulong mo."

Ngumiti si mom sa akin. "Fine. But if you can't endure the pain anymore. I'm just here."

Ako ang nananakit, mom. Hindi ako ang nasasaktan.

"Lumabas ka naman ng kwarto mo, Lissa. Baka magkaugat ka na dito."

Tumango ako.

"Sige. Magbihis ka na. Sasamahan ka ng mga bodyguards." Sabi ni mom bago malakad palabras ng pintuan.

Haist. Bodyguards na naman. Eh hindi ako makagalaw ng maayos kapag nasa paligid sila.

Napatitig ako sa painting ko.

"Basílica de la Sagrada Família" I whispered.

Naipilig ko na lamang ang ulo ko. Bakit ko ba ipininta ang simbahan na yan?

Mabilis akong nagbihis. Mukhang kailangan ko ngang lumabas ng bahay para marefresh ang utak ko. Kailangan kong magpahangin.

Paglabas ko ng bahay ay nasa garden si mom at nagdidilig ng mga halaman.

"Aalis na ako mom." I shouted.

"Bye, Lissa. Enjoy."

Tumango lang ako at kumaway bago pumasok ng kotse.

"Saan po tayo, maam." Tanong ng driver.

"Sa mall po tayo." Sagot ko saka tumitig sa labas ng bintana.

Ilang saglit pa ay nasa mall na kami kaya naman naglibot-libot muna ako at bumili ng ilang art materials. At nang magutom ako ay naghanap ako ng makakainan.

"Corona?"

Dahan-dahan kong nilingon ang tumawag sa akin at mukhang nagulat ito ng makita ako.

"Zach."

"Ohhh. Grabe akala ko nasa langit na ako at nakita ako ng anghel."

Natawa ako sa kalokohan nya.

Fall PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon