"Dun naman tayo Uno." sabi ko at hinila naman si Uno sa isa pang nakatayong tindahan dito sa loob ng school. Narinig ko ang pagbuntong hininga nya.
Tama kayo. School festival.
Napapayag ko na naman si Uno na pumunta kaming school.
Mukhang nagulat yung estudyante na nagbabantay doon dahil kay Uno. Ganon lagi ang reaksyon nila sa tuwing makikita nila si Uno.
Lahat ng estudyante ay pasimpleng tumitingin sa tuwing nakikita si Uno. At tumatabi sa tuwing dadaan sya. Haist. Isa nga palang hari ang kasama ko.
"Wow. Ang laki ng stuff toy." Puna ko sa nakadisplay na human size teddy bear.
"You like that?"
Napatango tango ako sa tanong ni Uno.
"How can we get that thing?" seryosong tanong ni Uno sa lalaki.
"K-Kailangan n-nyong tamaan ang mga t-ten balloons n-na yan." kabado nitong sagot. At iniabot ang isang laruang baril.
Bumitaw na ako kay Uno dahil maglalaro sya pero nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko.
"Didn't I told you to aleways hold my arm?" nakataas kilay na sabi nito.
"Pero maglalaro ka."
"So what? I have my other hand to hold this gun and the other one is exclusively for you." Sabi nito at humarap na sa mga lobo.
One. Two. Three. Four. Five. Six. Seven. Eight. Nine. Ten.
Napatalon ako sa tuwa ng tamaan lahat ni Uno ang mga lobo.
Nanlaki ang mata ng lalaki ng itutok ni Uno sa kanya ang laruang baril. Sinimangutan ko tuloy si Uno at kinuha sa kanya ang baril.
"Tigilan mo na nga yan Uno. Tinatakot mo naman sila eh."
Painosente nya lang akong tinignan.
Ibinalik ko na ang baril doon sa lalaki. Nginitian ko ito para hindi matakot. Iniabot nya naman ang stuff to sa akin kaya hindi na ako makita dahil sa laki nito.
Nagulat ako ng biglang kuhanin ni Uno ang stuff toy at sya ang nagbitbit nito. Saka nya ako hinila at nagsimula na ulit kaming maglakad. Napangiti tuloy ako. Ang cute nya tignan.
"Why are you smiling?"
Natawa ako. "Wala lang."
Tumango lang sya sa sagot ko. Napangiti tuloy ako lalo sa di malamang dahilan.
Dati sinasabi nyang hindi resonable ang pagngiti ng walang dahilan. Pero ngayon mukhang iba na. Dahil mukhang naiintindihan na nya na ang pangiti ay likas na sa tao.
"Where do you want to go next?"
Napaisip ako sa tanong nya.
"Ice cream."
Tumango sya sa sagot ko.
Nakakita kasi ako dito kanina ng tindahan ng ice cream. Mukhang masarap ang tinda nila kasi ang haba ng pila.
Habang naglalakad kami papunta sa tindahan ng ice cream ay may nakasalubong kaming mga pamilyar na mukha.
"Kamusta ang mga kamay mo?" nakangiti kong tanong kay Dave. Napatingin naman ito sa kamay nya.
Nagulat ako ng bigla akong higitin ni Uno palayo sa kanila. Napatingin tuloy ako sa kanya.
"Nice to see you again, Corona." Bati sa akin ni Michael kaya nginitian ko ito.
Seryoso lang tinignan ni Uno ang dalawa at hinigit ako. Naglakad na kami.
"My hands are fine now." Sabi ni Dave ng lampasan namin sya.

BINABASA MO ANG
Fall Play
Novela JuvenilHelping the wrong person. Protecting the wrong one. Playing their games. Falling little by little. The man who has everything will met the woman who has nothing. And it all started by playing the game called Fall Play. *** Sino kayang mananalo sa si...