chapter 5

71 2 0
                                    


Uno’s pov.

“How’s the package?” I asked Clark.

Pinaglalaruan ko ang kutsilyo sa kamay ko habang prenteng nakaupo sa sofa ng kwarto ko dito sa Black House.

Nakangiwi itong tumingin sa akin. Nandidiri. Napaka-arte nya talaga.

“Ipinadeliver ko na gaya ng sabi mo.” he answered.

Nasa gilid ko sya at naglalaro ng dart.

I nodded.

I check the time in my phone and it’s already five in the morning. Maybe she’s already asleep.

Bumukas ang pintuan at sunod sunod na pumasok ang mga ugok. Ginagawa nilang tambayan ang kwarto ko. Mga walang modo.

“Bakit ganyan ang hitsura ni Jose?” natatawang tanong ni Clark sa mga bagong dating.

“Ewan ko ba dyan. Nagpasama sya sa isang kubo tapos nung walang tao. Ganyan na ang naging hitsura nyan. Daig pa ang pinagbagsakan ng langit at lupa.” Natatawang sagot ni Jade. Sinamaan tuloy ito ng tingin ni Jose.

Napangisi naman ako.

Akala nya siguro ay mauunahan nya ako.

Napansin siguro nya ang pagngisi ko.

He looked at me dangerously. “Where did you hide her?”

Napatingin ang lahat sa akin. Nagtatanong ang mga hitsura sa kung anong sinasabi ni Jose. Si Clark naman ay tuloy lang sa paglaro ng dart dahil alam nya kung sino ang tinutukoy ni Jose.

Nginisian ko lamang si Jose saka tumayo at ibinato ang kutsilyong pinaglalaruan ko sa dart board. Bull’s eye. Tumama sa pinakasentro ng dart board ang kutsilyo.

Naglakad na ako papunta sa pintuan pero humarang si Jose. Masama ang tingin.
But in just one swift move I passed him effortlessly.

Don’t you dare block the king’s way.

Dumeretso na ako sa villa. I need to check her. I need to keep an eye on her. I know Jose has plans to take her so I need to hide her. 
I know how he works.

Pagpasok ko ng kwarto ko ay iniikot ko ang mata ko para hanapin si Corona. And I saw her lying in the sofa.

Napataas ang kilay ko ng makitang namamaga ang mga paa nya.

“Smith.”

Pumasok naman agad ng kwarto si Smith.

“Put her on the bed.”

He nodded. Binuhat na nya si Corona at dahan-dahang ipinatong sa kama.

“Call a doctor.”

He nodded again.

“And bring her some clothes to change.”

Lumabas na si Smith. Pinadaanan ko lang ng tingin ang babaeng ito na mukhang walang pakialam kahit saan mo dalhin dahil hindi man lang nagising.
Prente akong naupo sa sofa ng biglang pumasok si Fang at nahiga sa paanan ko. Kasunod nya si Smith at isang doctor.

“The doctor is here Uno.”

Hindi na ako nag-abala na tignan si Smith.

“Treat her and dress her up.”

Tumayo na ako at lumabas kasabay si Fang na naghihikab pa. Sumunod na rin si Smith na huminto rin naman pagdating sa labas ng pintuan ng kwarto. Habang ako ay deretso patungo sa labas. Maninigarilyo.

Weird pero ayokong manigarilyo sa loob ng bahay dahil ayokong mag amoy sigarilyo ang bahay o kwarto ko.

I lean against the wall.

Fall PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon