chapter 16

53 3 0
                                    

Tulala lang ako buong byahe hanggang makarating kami ni Smith ng bahay.

Ang gulo ng utak ko. Hindi ko alam kung anong una kong dapat isipin.

Dumeretso ako sa kwarto at agad nagpalit ng damit. Hindi naman ako tinamaan sa braso ko. Dumaplis lang ang bala sa damit ko kaya siguro nasira.

Napahawak tuloy ako sa braso ko. Kung wala siguro si Primo doon ay malamang-

Naipilig ko ang ulo ko.

Bakit naman kaya may gustong bumaril sa akin? May nagawa ba akong mali? Anong nagawa kong mali?

Napabuntong hininga na lang ako ng ilang beses.

"Dinner is ready, Miss."

Napalingon ako kay Smith. Ang bilis naman ng oras. Gabi na agad.

"Tinatamad pa akong kumain Smith."

"Kanina ka pa tinatamad kumain. Tell me, what do you want to eat?"

Masyadong magulo ang utak ko. "Hindi ko alam."

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Smith.

"Just take a bite." Pamimilit ni Smith.

Tumango na ako. Kanina pa kasi akong pinipilit ni Smith kumain. Masyado syang maalalahanin at maalaga. Para syang isang tatay.

Inilahad ni Smith ang kamay nya para tulungan akong tumayo mula sa sofa. Saglit akong natigilan pero napangiti agad at tinangap ang kamay ni Smith.

Kumapit ako sa braso ni Smith at hindi makapaniwala sa ginawa ni Smith. Nakakatuwa. Close na ba kami ngayon ni Smith?

Papunta na kami ng dining area ng makasalubong namin si Uno. Hindi ko alam pero parang nagulat sya ng makasalubong kami pero agad namang naging blanko ang mukha nya.

Napakurap ako ng ilang beses ng makita kung ano ang bitbit nito.

"This is mine." Blankong sabi nya at tinalikuran kami. Nauna na ito sa akin papunta sa dining table.

Napanguso tuloy ako.

Napatingin ako kay Smith at nagkibit balikat lang ito. Naglakad na kami papunta sa dining table at nandoon na si Uno. Nakaupo na.

"Smith alam ko na kung anong gusto kong kainin." Mahinang sabi ko kay Smith.

Tinignan ako ni Smith.

"Ice cream." Sabi ko at inginuso ang ice cream na kaninang bitbit ni Uno at ngayon ay nakapatong sa mesa. Rocky road pa ang flavor nito. Ang paborito ko.

"I'll just buy you some."

Napangiti ako sa sinabi ni Smith. Ang bait nya talaga.

"Smith."

Napalabi ako ng tawagin ni Uno si Smith. May iuutos na naman sya. Kainis.

Tinignan ako ni Smith na humihingi ng tawad dahil hindi na nya ako mabibilhan ng ice cream. Bumitaw na ako kay Smith. Lumapit na sya kay Uno at hindi ko naintindihan kung anong inutos ng walang pusong hari na iyon kay Smith dahil gusto kong kainin ang rocky road na ice cream na nakapatong sa mesa.

"Come here. Let's eat now. My girl." Nakangising sabi ni Uno.

"Wala akong ganang kumain." sabi ko at tinalikuran sya.

"Buying ice cream is not Smith's duty."

Napanguso ako sa sinabi ni Uno.

"Eat now or I'm not going to share with you that ice cream."

Fall PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon