chapter 2

101 7 0
                                    


“Mukhang maaga kang nagising ngayon ah. Anong meron?”

Nilingon ko si Daph na kanina pa hindi nagsasalita at panay lang ang titig sa akin simula kanina nang nasa bahay pa lang kami hanggang makarating kami ng university.

“Hindi na ako natulog.”

Pagdating nya kasi sa bahay ko para pumutak ay nasa harap na ako ng bahay at ready na. Wala tuloy syang masabi.

“Eh? Wala ka pang tulog nyan? Bakit amfresh mo?” inilapit nya pa ang mukha nya sa mukha ko na parang iniinspeksyon ako.
Iniharang ko ang kamay ko at itinulak ang mukha nya. Sinamaan nya tuloy ako ng tingin.

“Tigilan mo ako Daph.”

“Hindi nga. Iba ang freshness mo ngayon. Ano bang sekreto mo at nagkaganyan ka? Nagpalit ka ba ng sabon?”

Natawa ako sa tanong nya.

Humaba tuloy ang nguso nya.
“Hindi nga. Seryoso kasi ako.” Naiinis na sabi nya.

Mas natawa tuloy ako lalo. “Bakit ba? Ano bang gusto mong marinig?”

“Sabihin mo nga sa akin. Inlove ka ba?”

Nabitiwan ko ang ballpen nahawak ko.

“Ah ha! Sinasabi ko na nga ba. May secret boyfriend ka at tinatago mo sya sa’ken.”

Napakagaling nya talaga gumawa ng kwento.

“Wala akong boyfriend ‘no. Ano ka ba naman.”

Dinampot ko ulit ang ballpen ko at nagsimula nang magsulat ng homework ko na hindi ko nagawa dahil tumunganga lang ako magdamag at inaalala ang mukha nang lalaki sa convenient store. Ayokong makalimutan ang mukha nya.

“Kung ayaw mong sabihin sa akin. Eh di wag. Friendship over na tayo.” Nakanguso at nagtatampo nyang sabi. Hindi ko na lang pinansin. Nag-iinarte lang naman yan.

“Attention guys.”

Naiangat ko ang tingin ko nang may magsalita sa unahan. Yung president pala ng block namin. Si Charles.

“Walang klase maghapon dahil may meeting ang mga prof.”

Naghiyawan at nagpalakpakan ang lahat dahil sa hatid na balita ng aming butihing presidente.

“Alam mo-“

“Hindi ko alam.” Pigil ko sa sasabihin nya.

Hindi na naman kasi matitigil yan sa pagkukwento tungkol sa kung gaano nya kagusto si Charles. Aabutin kami ng siyam-siyam pag hindi ko yan pinigilan.

Inayos ko na ang mga gamit ko at isinakbat ang bag ko. Nilingon ko si Daph at ayun nasa sarili na nyang mundo at pinagnanasahan na si Charles.

I wave my hand in front of her kaya masamang tingin ang ibingay nya sa akin.

“Wala ka bang balak umuwi? Ako kasi uwing-uwi na. Gusto ko nang matulog.”

Padabog nyang inayos ang mga gamit nya.

“Palibhasa kasi walang crush kaya mahilig manggulo ng mundo ng may mundo.” Parinig nya sa akin.

Nakangisi na lamang akong napailing-iling saka kumapit sa braso nya nang tumayo sya.

“Bili muna tayong ice cream bago umuwi.”aya ko sa kanya ng makalabas kami ng university.

“Ikaw na lang. I’m on a diet.”

Napahagalpak ako ng tawa sa sinabi nya kaya sinamaan nya ako ng tingin.

“Diet? Diet. Diet. Ka dyan. Tas pag nakakita ng masarap ng pagkain kala mo hindi nakakain ng isang taon.”

Fall PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon