chapter 33

85 2 0
                                    

"Bakit mukhang namatayan ang hitsura mo?" nakangising tanong ni Clark.

Nakagat ko ang labi ko para pigilan na tumulo ang luha ko.

Huminga ako ng malalim bago pilit na ngumiti sa kanila.

"Mukhang ilang araw ka nang puyat ah! Sinong pumupuyat sayo?" tanong naman ni Mike.

Napaatras ako ng pakatitigan nila ako.

Magkakasama sila Jade, James, Mike, Clark at Jose. Nakakatuwa na mukhang maayos silang lahat.

"G-Gutom lang ako kaya ganito ang hitsura ko." Palusot ko.

"Ilang araw ka na bang gutom ha? Nangangangayat ka na ah." Sabi na naman ni Mike.

Nginitian ko na lamang sya. Baka mali pa ang masabi ko tapos kung ano-ano na naman ang mapansin nila. Masyado silang matalino at alam kong mahahalata nila kapag nagsinugaling ako.

"Saan mo gustong kumain?" tanong ni Joseph.

"Kahit saan. Wag lang dito sa mall."

"Sige. Tara na." aya ni Joseph pero tumigil ng makitang nakasunod sa amin ang mga bodyguards ko.

"Hindi ba pwedeng iwanan mo na sila?" tanong ni Joseph.

"Ah. Umuwi na kayo ng bahay. Sabihin nyo kay dad kasama ko sila." Kausap ko doon sa bodyguard.

"Pero maam."

"Okay lang. Sila na ang maghahatid sa akin pauwi. Alam kong maiintindihan naman ni dad."

Tumango ang mga bodyguards kaya nagsimula na kaming maglakad palabas.

"Oh yeah. Manlilibre si Jose." Sigaw ni Mike.

"Sinong may sabing ililibre ko kayo? Si Corona este Vasilissa lang ang ililibre ko." Sagot naman ni Joseph.

"Ayos lang kahit Corona ang itawag nyo sa akin kung doon kayo komportable." Nakangiti kong sabi sa kanila.

"Alam mo bang ginulo mo ang mundo namin sa mga nalaman namin?" sabi ni Clark habang nakapamulsa na naglalakad.

Tumingin ako sa kanya pero nakatingin lang sya sa harap.

"Ganoon ba." Yan lang ang lumabas mula sa bibig ko.

"Pero para sa isang tao, ikaw lang ang maayos at tama sa magulong mundong ito." Dagdag nya.

Hindi na ako sumagot.

Naalala ko na naman kasi ang nakita ko kanina.

Sumakay na kami ng van. Nakakapagtaka na iisang sasakyan lang ang ginamit nila.

"Sabing ako ang tatabi kay Vasilissa eh." Nakapout na sabi ni Mike.

"Ikaw kasi. Dapat katabi ko sya ngayon kung hindi dahil sayo." Sabi naman ni Jade.

Natawa na lang ako. Nasa likuran silang dalawa at sila ang magkatabi doon habang pinagigitnaan ako ng Clark at Jose para daw bantayan ako mula kina Mike at Jade. Si James naman ang nagdadarive na masama ang loob dahil walang nasa tabi nya eh hindi naman daw sya driver. Napakagulo talaga nila. Hindi pa din nagbabago.

Tahimik lang ang naging byahe naming hanggang sa huminto ang sasakyan. Nagsibaba na kami at nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung nasaan kami.

"Baguio." Bulong ko.

Nakangisi silang lahat sa akin.

"Sabi mo ayaw mo kumain sa mall kaya dito ka naming dinala." Sabi ni Joseph.

Natawa tuloy ako. Ibang klase talaga sila. Kaya pala medyo matagal ang naging byahe namin.

Pumasok na kami sa isang restaurant at napanganga ako sa ganda ng view kapag tumingin sa sa glass window ng restaurant. Naupo na kami at syempre nag-away na naman sina Jade at Mike kung sino dapat ang katabi ko. Nag-away din sila tungkol sa paghila ng silya na uupuan ko. Kaya pinagitnaan na naman ako nila Clark at Joseph.

Fall PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon