chapter 4

73 5 0
                                    


Corona's pov.

"Dalawa lang ang pagpipilian mo mahalin ako o mahalin ako."

Gusto ko nang magwala dito dahil napakahirap nyang kausap. Napakagulo pa.

"Anong pinagkaiba nun? Parehas lang yun eh."

"Kaya nga wala kang choice kundi mahalin ako. Hindi naman siguro ako ganun kahirap mahalin."

Nanlaki ang mata ko sa mga sinabi nya. Seryoso ba sya?
Hindi ko namalayan na nalagpasan na nya ako kaya bumaling ako para habulin sya.

"Hoy!"

Tatakbo na sana ako peo hinarangan ako nung lalaking kumidnap sa akin na Inglisyero na tinawag ni Uno na Smith.

"I'm sorry Miss but you need to come with me."

Bumuntong hininga ako. Isang napakalalim na buntong hininga. Kailangan kong kontrolin ang galit ko dahil baka makasira pa ako ng mga mamahaling gamit dito. Wala akong perang pambayad.

Tumango na lang ako. Wala akong magagawa. Mukhang hindi naman ako makakalabas ng bahay na 'to kaya susunod na lang ako.

"This way Miss."
Ipinakita nya ang daan paakyat ng hagdan.

Bagsak ang balikat na naglakad ako paakyat ng hagdan. Nang makarating sa taas ay medyo hiningal ako. Grabe napakahaba naman ng hagdan na yan. Lumingon ako para tingnan ang dinaanan ko at nanlaki ang mata ko nang makita mas malaki pa sa inaakala ko ang bahay. Ang ganda naman ng bahay ng wierdo na yun.

"Make yourself comfortable Miss Madrigal."

Nilingon ko si Smith at bukas na ang napakalaking pinto sa harapan nya. Sinilip ko ang loob ay aakalain mo na isang bahay iyon kaysa kwarto.

"May magdadala sayo dito ng pagkain at damit for you to change."

Tumango lang ako kaya tumalikod na si Smith. Pero napansin ko ang kulay putting polo na napatong sa gilid ng kama kaya nanlaki ang mata.

"Wait."

Nilingon ako ni Smith.

"Kaninong kwarto 'to?"

Please sabihin mo na hindi sa kanya at naligaw lang ang polong yan.

"Kay Uno."

"H-HA?"

Wag kang magpanic Corona. Baka naman sya na lang ang matutulog sa ibang kwarto. Mukha namang wala syang balak na matulog kasama ka.

"May iba pa ba syang kwarto?"

"Wala na."

Nanlaki lalo ang mata ko. "Pwede bang sa ibang kwarto na lang ako? Mukha kasing hindi magandang ideya na magkasama kami sa iisang kwarto."

Lalabas na sana ako ng kwarto ng humarang na naman si Smith. Sa laki nyang tao ay hindi ko na tinuloy ang balak ko na lumabas.

"Utos ni Uno na dito ka dalhin kaya dito ka lang." seryoso nitong sabi.

Psh. Napaka-loyal sa amo.

Inismiran ko na lang si Smith at tuluyan ng pumasok sa loob ng kwarto o kung kwarto pa baa ng tawag dito dahil sa sobrang laki nito. Narinig kong isinara ni Smith ang pinto.

Napabuntong hininga na lang ako. Dumeretso ako sa isang sofa at saka tinanggal ang suot kong sapatos.

Napangiwi ako ng makitang namamaga ang paa ko. May paltos na nga tumama pa sa gilid ng pinto ng kotse kaya siguro ganyan ang kinalabasan.
Naglibot libot ako para maghanap ng pwedeng igamot sa paa ko at napadpad ako sa loob ng C.R. C.R ba to?
Parang swimming pool na ang laki ng bath tub. Grabe pati ba naman C.R. kailangan may chandelier din? Mayayaman nga naman. Wala akong makitang gamot sa C.R. Kaya mga cabinet naman ang pinagbubuksan ko. Pero wala namang mga laman.

Fall PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon