Clark's pov
"You look different. You're acting different. What's wrong?"
Nilingon ako ni Uno dahil sa tanong ko. He's into something at ayaw nyang ipaalam sa akin. Ilang linggo ko na syang napapansin but I can't take this anymore umiiral na naman ang pagkachismoso ko. Madalas ko syang nakikitang malalim ang iniisip at minsan lang iyon mangyari.
"Nothing." He blankly answered.
Inabutan ko sya ng sigarilyo pero umiling lang sya. Tumaas tuloy ang kilay ko.
"Tumatangi ka na ba talaga ngayon sa sigarilyo?" mangha kong tanong.
Woah. Woah. Woah. He's really into something.
"Stop pestering me, Clark." He seriously said pero sa halip na tumigil ay mas kailangan kong malaman kung anong bumabagabag sa kanya.
"Tatlong bagay lang ang alam kong pwedeng maging dahilan kung bakit ka nagkakaganyan." I said while looking at him.
Prente lang na nakaupo sa sofa si Uno dito sa terrace ng Black House habang ako syempre nakaupo din at kanina pa pinagmamasdan ang bawat galaw ni Uno. May kakaiba talaga sa kanya at nacucurious ako kung ano.
"Una. Black House na wala naman akong nababalitaang problema. Pangalawa. Mga kompanya mo na wala rin naman akong nababalitaang problema. At pangatlo. Ang fall play na wala na akong nabalitaan na kahit ano."
Tinaasan ako ng kilay ni Uno. Ayaw nya talagang magsalita.
I sighed. Wala akong mapapala dito.
"Malapit na syang matagpuan ni Jose? What is your plan now?"
"Bahala sya."
Napangisi ako sa sagot nya. "You mean you will just let him go near her?"
He just shrugged his shoulders.
Nakakapagtaka na parang wala syang plano.
"Are you inlove?"
Hindi nya ako sinagot sa halip ay tumayo sya at iniwan ako.
Naningkit tuloy ang mata ko.
Tatlong dahilan lang ang naiisip kong dahilan kung bakit hindi nya ako sinagot at basta na lang umalis.
Una. Nakukulitan na sya sa akin.
Pangalawa. May iniisip pa sya.
Pangatlo. Kasi totoo.
Hmmmm.
Umikot muna ako ng Black House at nakita sila Jade at Mike na naghaharutan.
"Oy. Si babaerong Clark."
Binatukan ko si Mike dahil sa sinabi nya. Kakamot kamot naman syang nakangusong tumingin sa akin.
"Fuck you, Mike."
"Magkasama kayo ni Uno kanina di ba?" Jade asked.
"Yeah. Why?" I asked.
"Wala lang. Napansin ko lang na palaging malalim ang iniisip nya." Jade uttered. Parang napapaisip rin.
Tumango –tango ako.
"You know what I think it's about the play and that girl." Singit ni Mike.
Napangisi kaming tatlo.
Pangatlo ang sagot.
Kinabukasan nangunot ang noo ko ng makita ang kotse ni Uno sa parking lot ng school. Nadatnan ko si Uno sa private room.
"Fuck! Fuck! Fuck!" mahinang mura nya.
Nangunot ang noo ko dahil doon. Nakatalikod kasi ito sa akin at habang nakatayo at hindi mapakali.
BINABASA MO ANG
Fall Play
Teen FictionHelping the wrong person. Protecting the wrong one. Playing their games. Falling little by little. The man who has everything will met the woman who has nothing. And it all started by playing the game called Fall Play. *** Sino kayang mananalo sa si...