chapter 9

68 3 0
                                    

Nagising ako nang maramdamang tumitibok ang unan ko. Baliw na ako. May puso ba ang unan?

Napangiti na lang ako dahil mukhang nanaginip pa ako.

"Not because your always an exemption means you can abuse me all the time."

Nanlaki ang mata ko sa narinig at kulay itim na damit ang bumungad sa akin.

Lagot.

Dahan dahan akong nag-angat ng tingin para kumpirmahin na tama ang naiisip ko. At nang magtama ang mga mata namin ay napangiwi na lamang ako habang sya ay mukhang naaaliw na nakataas ang isang kilay.

Dahan-dahan akong bumitaw sa kanya saka mabilis na tumayo sa kama at dumeretso ng C.R.

Napangiwi ako ng makita ang hitsura ko sa salamin. Mukha akong-

SABOG.

Nakakahiya ka Corona.

Aish. Bwisit naman kasi. Andami daming kwarto sa malaking bahay na ito pero nagsisiksikan kami dito sa isang kama. Okey, sige na hindi naman masikip yung kama nya, kasya nga kahit sampung tao pero kasi bakit ba kasi hindi ko namamalayan na nakayakap na pala ako sa walang pusong yun?

Sadyang binagalan ko ang pagtotoothbrush at paghihilamos para kalmahin ang sarili ko. Medyo napahiya ako dun kaya kaylangan kong magipon ng sapat na lakas ng loob para humarap sa mayabang na yun.

Dahan-dahan akong lumabas ng pintuan ng C.R. hindi lumilikha ng ano mang ingay para hindi nya ako mapansin.

"What took you so long?"

Natigil ako sa pasasara ng pinto ng marinig ang tanong na iyon mula sa likuran ko.

Dahan-dahan akong humarap sa likuran ko at nakita ko kung paano umangat ang gilid ng labi nya. Nakatitig lang sya sa akin at ganun din naman ako sa kanya.

Dahan-dahan syang humakbang palapit sa akin saka yumuko kaya magkapantay na ngayon ang mukha namin.

"Do you love me now?" mapaglaro nyang tanong.

Ang tanong na yan na naman?

"Hin.De." mariin kong sagot.

Napasandal ako sa pintuan ng bigla nyang ilapit lalo ang mukha nya.

"Eh? Still don't love me but you keep on abusing me?" tanong nya ulit at ikiniling ang ulo.

Hindi ako makasagot sa kanya dahil pakiramdam ko, oras na magsalita ako ay baka aksidenteng magtama ang mga labi namin.

Kainis.

"You don't know what I can do to get what I want, you abusive woman. So better fall inlove with me before it happen." Hindi ko alam kung banta ba ang sinabi nya o paalala.

Akala ko ay magtatama na ang mga labi namin dahil sa muli nyang paglapit pero nabuksan na nya ang pintuan ng C.R. at nasa loob na sya nito ng hindi ko namamalayan.

Nahugot ko tuloy ang hininga ko. Nakalimutan ko na naman huminga. Bwisit.

Naglakad na ako patungo kay Fang na nag-iinat sa tapat ng sofa. Naupo ako sa sofa saka hinimas ang ulo ni Fang.

"Good morning Fang." Nakangiti kong bati kay Fang.

"Rawr." Napangiti ako lalo sa sagot nya.

Sabay kaming napalingon ng marinig ang pagbukas ng pintuan. Pumasok si Smith at may dalang tray na may lamang tasa at tinapay.

Nginitian ko sya ng magtama ang mata namin pero as usual deadma lang si Smith.

Inilapag nya ang tray sa mesa sa harapan ko at agad na kinuha ang tasa ng kape na para sa akin. Habang binigyan ni Smith si Fang ng gatas.

Fall PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon