Corona's pov
Napabalikwas ako ng bangon ng maramdamang wala sa tabi ko si Uno. Iniikot ko ang paningin ko at wala sya sa kwarto. Lumabas ako ng kwarto at nangunot ang noo ko ng makita roon si Smith.
"Good morning Miss." Bati nito sa akin. Nasa table ito at mukhang naghahanda ng agahan.
Naglakad ako palapit kay Smith at tumigil sa harap nito. "Asan si One?"
"He's already in the Philippines."
Napamaang ako sa sagot nya. ANO? Nasa Pinas na sya at iniwan ako rito? Ang walang pusong lalaking iyon talaga. Matapos kong sabihin sa kanyang MAHAL KO RIN SYA! Matapos ng HALIK NA YUN! IIWAN NYA AKO DITO MAG-ISA?
Siguro sumama na sya dun sa mga Haponesa na nagsabi sa kanya kahapon ng ang gwapo nya.
"Hansamu"
Napatingin ako sa mga babaeng dumadaan sa yan lagi ang sinasabi. Alam ko kung anong ibig sabihin nun. Handsome. Haist. Bakit kasi ang gwapo ni Uno. Lahat tuloy ang babae nililingon sya.
Narinig kong sinabi ng isang Haponesa na kukunin nya daw ang number ni Uno kaya mabilis akong kumapit sa braso nito at hindi ko nabinitiwan. Natigilan naman ang mga babaeng umaaligid sa kanya. AKIN SYA.
Haist. Hindi ba alam ni Uno na may gusto ng umagaw sa kanya?
"Uno told me to stay with you and bring you where you want to go."
Nginusuan ko lang si Smith.
"What's wrong?"
"Balik na tayo sa Pinas."
"But-"
"Sabi mo dadalhin mo ako kung saan ko gusto pumunta? Gusto ko na umuwi."
Nakakaintinding tumango si Smith. Hindi na ako kumain at nagbihis na agad. Nakakainis talaga yang si Uno. Umaalis na lang basta ng walang paalam.
Napabuntong hininga na lang ako. Hindi na ako nagsalita pa at natulog na lang sa byahe.
"You want something to eat? Hindi ka pa kumakain ng agahan." Tanong ni Smith ng makababa kami ng eroplano. Naglalakad na kami palabas at mayroon ng kotseng naghihintay sa amin doon.
Umiling ako kay Smith. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga nya.
Pinagbuksan ako ng pintuan ng kotse ni Smith kaya nginitian ko ito ng pilit bago pumasok at saka ito pumasok sa driver seat. Pinaandar na nya ang sasakyan habang nakatitig lang ako sa labas ng bintana ng may maisip ako.
"Smith." Nakangiti kong tawag dito. Saglit nya naman akong nilingon.
"Puntahan natin si One. Susurpresahin ko sya." Nakangiti kong dagdag.
"I think that's not a good idea. He's busy right now."
Ngumuso ako. "Hindi ko naman sya aabalahin. Hihintayin ko na lang sya kung nasaan sya hanggang hindi na sya busy."
Bumuntong hininga si Smith. "Alright."
Nginitian ko ng matamis si Smith. Lagot ka sa akin ngayon Uno. Pagsisisihan mo na iniwan mo ko sa Japan mag-isa.abaho
Tumigil ang kotse sa tapat ng isang napakalaking building. Grabe ang laki. Dito ba nagtatrabaho si Uno? Pero di ba nag-aaral din sya?
Bumaba si Smith ng kotse at pinagbuksan ako ng pintuan. Ngumiti naman ako dito.
"I'll take you to the lobby before I park the car in the parking lot."
Tumango ako rito. Kumapit ako sa braso ni Smith at nagsimula na kaming maglakad papasok ng building.

BINABASA MO ANG
Fall Play
Teen FictionHelping the wrong person. Protecting the wrong one. Playing their games. Falling little by little. The man who has everything will met the woman who has nothing. And it all started by playing the game called Fall Play. *** Sino kayang mananalo sa si...