chapter 21

50 3 0
                                    

Corona's pov.

Napanguso ako ng lumabas ng kwarto si Uno. Galit ba sya?

Napabuntong hininga na lang ako.

"Hindi mo sya masisisi, nagaalala lang sya sayo."

Napatingin ako kay Clark. Seryoso sya.

"She just nothing. A nobody."

"You can take her if you want. I'm telling you, she's just our plaything."

"I told him that whoever make her fall inlove will win the game. Once she said I love you to one of us, the game is over. Only when she said I love you that's when we will know who won."

Nakagat ko ang labi ko sa naalala.

"Alam kong alam mo na kung bakit ginawa ni Uno ang mga bagay na iyon? Kung bakit ka nya nagawang ipakidnap."

Naiiwas ko ang tingin ko sa kanya.

"I'm sorry for what they did to you. I know you're hurt."

"Wala naman silang pakialam kahit masaktan ako."

"Nagiba na ang ihip ng hangin Corona. Malay mo, ang dating walang pake ngayon may pake na."

Muli ko syang tinignan. Nagtatanong kung anong ibig nyang sabihin.

"Minsan kase matuto kang tumingin sa harapan mo hindi yung lagi kang sa likuran nakatingin."

"Ano bang ipinupunto mo ha? Clark?"

Nagkibit balikat sya. "Oo nasaktan ka. Pero malay mo may mas nasasaktan pa pala kesa sayo. Hindi lang halata."

Napayuko ako.

Paano mo nagawa sa akin yun Joseph?

"Smile Corona. You're prettier when you smile." Naiangat ko ang tingin kay Clark na nakangiti.

Nginitian ko na rin ito.

Ingingiti ko na lang ang mga nangyari.

"You need to rest. Baka ihulog ako ni Uno sa bangin kapag napano ka pa dyan." Sabi nya at kiniskis ng kamay ang magkabilang balikat na parang natatakot.

Natawa tuloy ako.

"Wag mo akong pagtawanan, Corona. Takot ko na lang kay Uno."

Muli akong nahiga at ipinikit ang mga mata.

Naalimpungatan ako ng makarinig ng ilang mahihinang bulungan at tawanan.

Kinusot kusot ko ang mga mata ko at naupo ng kama. Napatingin ako sa orasan at napakurap kurap ng makitang 11:59 a.m. na. Hating gabi na?

Naiikot ko ang paningin ko at nakitang nakangisi sila sa akin.

"Ano?" nagtataka kong tanong.

"Ibigay mo na Uno. Nahiya pa eh." Nakangising sabi ni Clark.

Napalingon tuloy ako kay Uno at nanlaki ang mata ng makita kung ano ang hawak nito.

"Bulaklak mula sa lalaking magaling lang sumabat." Sarkastiko ni Uno at iniabot sa akin ang mga bulaklak.

Pigil pigil ko ang hininga ko ng tangapin iyon.

Pagkaabot ko ay agad akong tinalikuran ni Uno.

"T-Teka. Paano mo nalaman-"

"Can't you just say thank you." Sabi nito habang nakatalikod.

Napanguso ako sa kasungitan nya pero agad din naman akong ngumiti.

Fall PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon