LAW OVER LOVER
by cresencio
"Sinira niya ang pagkatao ko! Binaboy niya ako! Hayop siya! HAYOP!"...
PROLOGUE
"Hi Chelsea! Ready ka na ba para sa story telling mo mamaya?" tanong ni Sasha.
"Of course! I'll make sure na mabibigyan ko kayo ng kakaibang feels mamaya. Makakaramdam kayo ng sobrang kilig and inis!" I answered.
"I know right! Ikaw pa! Eh ikaw kaya ang pinakamatalino dito sa buong Grade 6. Yung tipong, kapag nagku-kwento ka, parang ang dami mo ng napagdaanan sa buhay."
"Yes, and my story that I will share later, will be different. This is the best and yet the last story na iku-kwento ko."
"What do you mean the last?"
"The last! Pinaka-huli!"
"Huuuh? Bakit naman?"
"Kase ito na yung 'pinaka' sa lahat ng kwento ko. And hindi ko na pwedeng dagdagan pa yun."
"Ano ba yan? Pero sana hindi pa! Ako pa naman ang number 1 fan mo!"
"Naku, Sasha tigilan mo nga ako. Haha! Basta mamaya, makinig kang mabuti ha. Mahaba yung kwento ko kaya dapat mong pakinggan at abangang mabuti ang bawat mangyayari."
"Oo naman, ako pa ba?...Oh andyan na si Mam! Balik kana sa upuan mo!"
Dumating na yung teacher namin sa Values Education. Meron kaming activity ngayon kung saan, naka-assign ako para mag-kwento. Binigyan kami ng task na mag-create ng kanya-kanya naming stories. Hindi ako nahirapan dahil forte ko 'to.
At a very young age, madami akong pinaghuhugutan at madami na akong alam sa buhay. Hindi dahil mahirap kami, kundi dahil sa Mommy ko. Lagi niya akong kinukwentuhan ng mga bagay na nangyari sa kanya noong kabataan niya, kaya naman pakiramdam ko, naranasan ko na rin lahat ng naranasan niya. Sa mga kwento niya sa akin ako kumukuha ng inspirasyon para sa mga ginagawa kong stories.
My Mommy is a great woman, a very great woman. She's my idol, and she's everything to me. Syempre ganun din si Daddy. Silang dalawa, sila ang strength ko.
Later on nag-start na ang class. "Good Morning class! So, for the past months, madami na tayong stories na narinig galing sa inyo. Madami na tayong natutunang values dun sa mga story na nai-share niyo. And for now, nasa pinaka-last presentor na tayo. So may I call on Chelsea Marie A. Sanchez! Let's give her a round of applause!"
I breathe in, and, "Hi classmates! I know na sawang-sawa na kayo sa pakikinig sa mga stories na ginagawa ko. But please, try to take every words na sasabihin ko. Please don't be confused on how I am going to narrate the story because I am telling this based on the main character's point of view. This one is different, this one is real. It's real..."
"This is how it started..."
BINABASA MO ANG
LAW OVER LOVER
Romance"Magiging hadlang ba ang nakaraan para sa pagmamahalan sa kasalukuyan?"