Chapter 13: When You're Gone

187 10 0
                                    

SUNDAY AT GISING pa rin ang diwa ko upang maghanap ng impormasyon tungkol kay Tucker, pero sa hindi inaasahang pangyayari ay wala akong mahanap

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SUNDAY AT GISING pa rin ang diwa ko upang maghanap ng impormasyon tungkol kay Tucker, pero sa hindi inaasahang pangyayari ay wala akong mahanap. Sa bawat minutong inilaan ko sa internet ay mas lalo akong nagdududa. Para bang may isang taong nagplanong burahin ang isang 'Tucker Monteverde' sa mundo. But I have to tell that person that their plan failed because Tucker Monteverde exist. All thanks to a borrower's card sa aming library.

For five days straight, I tried to forget about the whole 'Monteverde' thing and focused my attention on my research and studies instead. Pero sa tuwing wala akong ginagawa ay kusang bumabalik sa aking isipan ang lahat and so, I keep myself busy by doing unnecessary things.

And from time to time, nag-uusap kami ni Lysa. I chose to welcome her in my life, again, but only as a friend.

Marami akong nalaman tungkol sa kanya, mga bagay na noon ko pa sana tinuklas. Alam kong huli na ang lahat at kahit gusto ko siyang balikan, hindi na pwede. Sa tuwing nakikita ko siya, ang naramdaman kong kaba at mga paru-paru sa aking tiyan ay wala na—hanggang kaibigan na lang ang tingin ko kay Lysa.

"So, what about we hang out for a bit?" Tanong ni Nikolai sa amin ni Yohan.

"You're inviting Jaxen, right? So, there's no way that I'm going, Nikolai."

Tiningnan ko si Jaxen at palihim siyang tinanguan, "Nikolai and I will be back before curfew."

"Aalis talaga kayo at iwanan akong mag-isa sa bahay?" Hindi makapaniwalang tanong ni Yohan sa akin.

"Hindi ka sasama sa amin, 'di ba?" Tanong ni Nikolai for the nth time.

"Kung kasama niyo si Jaxen," ilang segundong tiningnan ni Yohan si Jaxen bago umiwas ng tingin habang namumula ang pisngi.

"Ano na? Pumunta ka na lang sa kwarto ni Hagen at magtagu-taguan kayong dalawa," suhestiyon ni Nikolai.

"Umalis na nga lang kayo."

Walang nagawa si Yohan kung hindi ang isara ang pintuan ng bahay. Naiwan kaming tatlo na nakatitig sa pintuan at walang balak gumalaw sa aming kinatatayuan.

Ang totoo niyan ay kaming dalawa lamang ni Nikolai ang aalis samantalang kanina pa naghihintay sa aming pagdating si Hagen. Maiiwan naman si Jaxen upang suyuin si Yohan at ayusin ang gusot na kanilang ginawa.

"Ready ka na?" Tanong ko kay Jaxen.

"Ready or not? Bahala na si batman sa akin ngayong gabi," nakikita ko sa mukha ni Jaxen na kinakabahan siya sa maaaring mangyari. Mahirap suyuin si Yohan, pero alam kong lalambot din iyon lalo na at malalaman niya ang katotohanan—ang buong katotohanan.

"Kung hindi ka magtatagumpay sa gabing 'to, may bukas pa at susunod na bukas. Huwag ka lang mawalan ng pag-asa, okay?"

"I really need that, you know."

Tumawa si Nikolai at saka tinapik sa balikat si Jaxen. "Pero sabihin mo sa akin kapag sumobra na si Yohan, hindi ako magda-dalawang isip na kalabanin siya. Kaibigan ko si Yohan, pero hindi ako papayag kapag umabot sa puntong may masasaktan."

Entangled Souls (Boys' Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon