ANG UNANG BUMUNGAD pagmulat ko ng mga mata ay ang mukha ni Tucker. Sa kanyang kanang kamay ay ang recorder na naglalaman ng kanyang mga saloobin sa buhay at sa kaliwa naman ay isang kahon na sobrang pamilyar sa akin. Hindi ko narinig ang kanyang sinabi, pero ramdam ko ang takot sa kanyang nanginginig na boses.
Agad akong bumangon sa malambot na kama at tinungo ang pamilyar na closet. Idinikit ko ang sarili sa pader at sinubukang pakinggan kung ano ang binubulong ni Tucker sa recorder.
Sandali lang, nasa silid ba ako ni Tucker?
Bakit ako nagtatago kung si Tucker lang naman ang nandito?
Nagpakawala ako ng buntong hininga bago nagpasyang puntahan ang kinaruruonan ni Tucker. Hahawakan ko sana ang balikat niya nang may kumatok sa pintuan. Gulat kong tiningnan si Tucker na nagmamadaling itago ang hawak na kahon sa kanyang closet, pati na ang recorder sa kanyang drawer.
"Tapos ka na ba, Tucker?" Rinig kong tanong ng isang lalaking boses sa labas.
Puno ng kalungkutan at takot ang mga mata ni Tucker. Kagaya ng karanasan ko, malalaking butil ng pawis ang namumuo sa kanyang noo kahit sobrang ginaw ng silid.
"S-sandali lang," pabalik-balik ang lakad ni Tucker sa harapan ko. Ako mismo ang nahihilo sa kanyang ginagawa.
"Hindi mo ba ako nakikita?" Tanong ko at pilit kinuha ang atensyon niya.
Kahit nagmumukhang tanga ay sumayaw at kumanta ako na wala sa tono, pero walang nangyari. Sa huling pagkakataon ay sinabayan ko sa paglalakad si Tucker nang mapagtanto kong hindi niya talaga ako nakikita.
Ako yata ang naging multo sa aming dalawa.
"TUCKER!" Tawag ko sa kanyang pangalan nang mawalan ako ng pag-asang mapansin.
Hinawakan ko ang aking ulo saka ipinikit ang mga mata. Naguguluhan ako sa nangyayari at hindi ko rin maalala kung ano ang nangyari bago ako napadpad sa silid ni Tucker. Pota naman, hindi nakisabay ang aking utak sa naging situasyon ko ngayon.
Kahit anong gawin ko, wala talaga.
Sa pagmulat ng aking mga mata ay laking gulat kong matagpuan ang sarili sa ibang lugar. Isang malaking pintuan ang kaharap ko at ilang segundo lang ay tinakpan ko ang aking mukha nang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang sinag ng araw.
Hindi naman ako bampira, pero masakit lang talaga sa mata.
"Why is he like this?"
Kunot ang aking noo nang makilala kung sino ang nagsasalita. Wala sa oras akong lumingon sa pinanggalingan ng boses—it was Jane Monteverde.
Nasa sala ako ng mansyon na minsan kong binisita. Sa aking kaliwa ay nakatayo si Jane at sa kanan naman ay ang kanyang ama. Nang ituon ko ang pansin sa harapan ay hindi ako nag-aalinlangan na tumakbo at lumuhod sa harap ni Tucker.
BINABASA MO ANG
Entangled Souls (Boys' Love)
RomantizmJermaine Samonte was a college student living a relatively ordinary life until he stumbled upon an extraordinary problem: an annoying ghost named Tucker. The loss of his parents in a tragic accident had already left a deep scar on his heart, but he...