PINAGLALARUAN KO ANG aking daliri at panay ang tingin sa kabuuan ng mansyon. Gumising ako na wala si Tucker sa aking tabi, pero nag-iwan naman siya ng mensahe na hinahanap siya sa mansyon. Sapat na para sa akin ang mensahe ni Tucker upang malamang hindi panaginip ang nangyari kagabi.
Ginawang unan ni Tucker ang kamay ko habang nakaharap siya sa akin. Ipinulupot ko ang kabila kong kamay sa kanyang bewang. Nakatitig lamang ako sa maamo niyang mukha at 'di makapaniwalang nahahawakan ko siya, kayakap sa pagtulog, at nasasabihan na 'gusto ko siya' na walang pangamba't takot sa aking puso.
Wala akong alam kung anong oras ako nakatulog kagabi. Sa pagdilat ko ng aking mga mata at nang mabasa ang iniwang mensahe ni Tucker, alam kong may ibang bagay na magku-kumpleto ng araw ko—si Tucker lang sapat na.
"Anong gusto mo, iho?" Tanong ng kasambahay.
"Kahit tubig na lang po."
Walang mapaglalagyan ang kaba ko habang hinihintay na bumaba ang Uncle ni Tucker. Agad kong tiningnan ang aking cellphone nang tumunog ito. Mapupunit yata ang aking labi sa sobrang lawak ng aking pagngiti.
Punyeta, para akong high school student na nakipag-usap sa kanyang long time crush.
From: Tucker
You look good today, sinong ka-date mo? Ang suwerte naman.
Natuon ang tingin ko sa ikalawang palapag. Nakita kong nakatayo si Tucker malapit sa hagdanan habang nakatingin sa aking direksyon.
Magre-reply na sana ako nang makatanggap ng maraming mensahe galing sa barkada. Bumilog ang aking mga mata nang mapagtanto kung ano ang nakalimutan ko kagabi. Damn it, there's no way I'll be paying a million peso to them.
From: Hagen
Paki-handa ang isang milyon. Marami kaming babayaran sa bahay ni Slade. LOL!
From: Nikolai
Nawala na ang hangover ko, pero hindi pa rin kita nakikita sa bahay ni Slade. Nadukot ka ba on the way? Nasaan ka na, Jermaine?
From: Slade
Happy birthday to me bitches, lmao. Tinext ako kagabi ni Tucker, kaya hindi mo kailangan bumayad ng isang milyon. Pero pumunta kayo sa bahay ko ngayong araw. Mwah~
"Loko kayo," bulong ko bago pinatay ang cellphone.
"Mr. Samonte. . ."
Mabilis akong tumayo pagkarinig ng aking pangalan. Puno ng kaba't takot ang mukha ko nang magtagpo ang mga mata namin ni Mr. Monteverde.
"G-ood morning, Sir!" Halata rin sa aking boses ang pangamba sa araw na 'to.
Fuck it, hindi ito ang inaasahan ko na mangyayari.
Kailan pa nauutal ang isang Jermaine Samonte? Ngayon lang.
"You're way too formal, just call me Uncle and I'll be happy about it." Walang bahid na galit sa kanyang boses, kaya mas lalo akong kinabahan para sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Entangled Souls (Boys' Love)
RomanceJermaine Samonte was a college student living a relatively ordinary life until he stumbled upon an extraordinary problem: an annoying ghost named Tucker. The loss of his parents in a tragic accident had already left a deep scar on his heart, but he...