Chapter 16: Restricted Room

160 8 0
                                    

AFTER A VERY long talk, I was able to make them believe about Tucker's existence

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AFTER A VERY long talk, I was able to make them believe about Tucker's existence. I was glad Nikolai and Yohan knew about my ability to see ghosts as they helped me explain things to the rest.

Nasa sala kaming lahat at tahimik na kumakain ng hapunan. Nakaupo naman sa tabi ko si Tucker na walang sawang tumitig kay Jane sa kanyang harapan. Alam kong nahihirapahan siyang maniwala sa kanyang nalaman ngayon—kahit ako ay hindi rin makapaniwala sa aking nalaman.

"What does he look like?" Basag ni Jane sa katahimikan. "Iba kasi ang nakikita kong multo sa mga pelikula, basag ang bungo, gutay-gutay ang katawan. . . typical ghost in the movies."

"Do you have a picture of Tucker?" Tanong ko pabalik sa kanya.

Tumango si Jane bilang sagot bago itinuon ang pansin sa cellphone. Ilang saglit lang ay ipinakita niya sa amin ang isang litrato. Nakangiti siya at halatang masaya habang niyayakap ang isang tuta na mukhang nahulog din sa kamandag na dala ng isang Tucker Monteverde.

Itinuro ko ang mukha ni Tucker at saka ngumiti. "Kung ano ang nakikita mo sa litrato ay ang Tucker na nakikita ko. Walang ipinagbago sa kanya kaya sobrang nakapagtataka ang sanhi ng kanyang kamatayan, Jane."

"Jermaine," lumingon ako kay Joey. "May sinabi ba si Tucker sa 'yo? Like, what does he really want from you? Why is he still here?"

"Iyan sana ang pag-uusapan natin ngayon," lumingon ako kay Tucker na siyang tumango lang sa akin.

"What do you mean? Sa pagkakaalam ko'y wala tayo sa isang paranormal movie kung saan tutulungan natin si Tucker na malaman ang katotohanan sa likod ng kanyang pagkamatay upang— "

"That's really the case, Cheeska. Iyan mismo ang dapat nating alamin."

"You're just joking, right?"

Umiling ako at saka humalakhak nang makita ko ang mukha ni Cheeska. Sinabi ko sa lahat kung ano ang nalalaman ko, pero base sa napag-usapan namin ni Jane ay hindi tumutugma ang lahat at bumalik na naman ako sa simula.

Everything doesn't make sense.

The memories that were retreived and what Tucker told me, it doesn't make sense at all. Pero buo ang desisyon kong hindi namatay si Tucker, pinatay siya at iyon ang paniniwalaan ko. Hindi naman magsisinungaling sa akin si Tucker, 'di ba?

"But I told you already, his death was an accident. I don't exactly know what happened that day because we never brought up about Tucker's death, pero hindi. . . hind—"

"Uncle is hiding something from us," putol ni Lysa nang makitang nalilito si Jane sa kanyang sasabihin.

"He treated Tucker like his own son, kaya hindi magagawa ni Uncle kung ano ang iniisip mo, Lysa. Hindi niya iyon magagawa kay Tucker, trust me." Joey pointed her finger towards the empty space on my left.

"Actually, nasa kanan ko si Tucker ngayon, Joey." Sabi ko sabay turo sa tamang direksyon.

"Oh."

"I think it's better not to point fingers right now, okay? Wala tayong ebidensya." Pilit ngumiti si Slade habang inaawat ang kanyang mga kaibigan.

Entangled Souls (Boys' Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon