Chapter 9: The Acceptance

204 15 20
                                    

PAGKATAPOS NG PAG_UUSAP namin ni Aling Shana ay tumakbo ako pabalik sa aking silid

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAGKATAPOS NG PAG_UUSAP namin ni Aling Shana ay tumakbo ako pabalik sa aking silid. Hinanap ko sa paligid si Alexis, pero hindi ko siya makita. Nakailang tawag ako sa kanyang pangalan at kahit si Tucker ay walang ideya kung saan nagpunta ang kanyang kaibigang multo.

"Bakit hindi ko siya nakikita?" Tanong ko sa aking sarili.

Naglaho na ba siya? Kinuha na ba siya ng liwanag? Hindi ko alam.

Lumabas ulit ako ng silid at iksaktong nakita ko si Alexis. Nakatayo siya malapit sa hagdanan at nakatingin sa akin ng diretso. Ilang minuto ng aming pagtitigan ay nakita ng dalawa kong mga mata kung paano nagpira-piraso ang katawan ni Alexis. Binaliwala niya ito hanggang sa tuluyan siyang maglaho at tanging itim na usok ang naiwan sa kanyang puwesto—and she's gone.

Just like what happened to Azuela, but the aura is way too different.

"Jermaine?"

Nang tuluyang maglaho ang itim na usok ay ang mukha ni Lysa ang aking nakita. Puno ng kalungkutan ang kanyang mga mata, para bang nagsusumamo ito. Nakatayo sa kanyang likuran sina Yohan at Nikolai na hindi alam kung ano ang gagawin.

"Anong ginagawa mo rito?" Diretso kong tanong sa kanya.

"Mag-usap tayo, please?"

Gusto kong tumalikod at pumasok ng silid. Wala kaming dapat pag-usapan. Nangyari na ang nangyari, iniwan niya ako na walang pasabi at babalik siya na parang walang nangyari.

No break ups, nothing at all.

"Wala tayong dapat pag-usapan," sagot ko sa kanya. Tiningnan ko ang mga kaibigan kong nagtuturuan sa likuran ni Lysa.

"Alam mong may dapat tayong pag-usapan, Jermaine. Nandito ako upang ipaliwanag ang nangyari noon. Kahit ten minutes lang, pakinggan mo muna ako, please?"

"May dapat pag-usapan o wala, ayaw kong makipag-usap sa 'yo. Kung anumang dahilan mo upang iwanan ako noon, wala na akong pakialam."

"Jermaine naman, e."

Umiling ako at saka kinagat ang pang-ibaba kong labi. "Hindi mo nagawang sabihin sa akin noon na aalis ka ng bansa. Bigla mo akong iniwan at kung hindi ako sinabihan nina Yohan at Nikolai, hindi ko malalaman na aalis ka pala. Ngayong payapa na ang buhay ko, papasok ka bigla at gumawa ng gulo? Para saan pa upang pakinggan kita, kung nangyari na ang paglisan mo, Lysa?"

Wala akong narinig na sagot. Ang tanging naririnig ko lang ay ang paghikbi niya bago ako naglakas-loob na pumasok ng silid. Naabutan ko si Tucker na nakaupo sa aking higaan. Malayo ang kanyang tingin at malalim ang kanyang iniisip. Humiga ako sa kanyang tabi at pinagmasdan ang kisame. 

Simula sa araw na 'to ay walang multong bubungad sa akin tuwing gigising ako sa umaga. Kahit nag-iba ang takbo ng kwento ni Alexis ay hindi maipagkaila na naging kaibigan ko siya.

Nandiyan siya nang wala akong masasabihan ng problema.

Nandiyan siya nang nagpupuyat ako sa mga gawain.

Entangled Souls (Boys' Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon