BEEP—SA BAWAT pagtunog ng makina ay ang dahilan kung bakit ako bumabalik sa realidad. Tama, hindi ako patay at ilang minuto na rin akong nagpapanggap na tulog. Hindi dahil gusto kong matuluyan kung hindi dahil sa dalawang taong nag-uusap sa loob ng silid.
Nagkaroon din ako ng oras upang isipin ang aking sarili. Malayo sa fairytale ang buhay ko, kaya kailangan kong tanggapin ang katotohanan. Ang katotohanan na wala na si Tucker sa aking buhay at hindi na siya babalik kahit anong gawin ko. Kung ano man ang nakita ko sa araw na 'yon, guni-guni ko lang ang lahat sa sobrang lungkot na naramdaman.
"Kung alam ko lang, hindi na sana kita iniwasan. I am so sorry for that, Jaxen." Narinig kong sabi ni Yohan.
"Kaya nga hinabol kita noong nalaman kong nasa iisang University tayo, 'di ba?" Narinig ko ang mahinang paghalakhak ni Jaxen.
"But what really happened that day?"
One thing I've learned from them, pareho silang takot ungkatin ang nakaraan. Noong nagkabalikan sina Yohan at Jaxen ay hindi nila nagawang pag-usapan kung anuman ang nangyari noon.
Sa bagay, nakakatakot naman talaga lalo na't maayos na ang naging takbo sa kasalukuyan.
"Dito talaga natin pag-uusapan? Sa harap talaga ni Jermaine?" Tanong ni Jaxen at wala akong narinig na sagot kay Yohan. "Remember the day when I rejected you? Remember when you saw me with your brother the same day as well? Iyon din ang araw na namatay si Jeanne—"
"I'm really, really sorry," rinig kong pagsuyo ng kaibigan ko kay Jaxen.
"Gusto ko lang makalimot sa araw na 'yon and I was too drunk when you saw me with Yvo. Alam mo bang hulog na hulog na ako sa 'yo noong unang araw ng summer camp? Tinanggihan lang kita dahil natatakot akong sumugal, kasi napagtanto kong pagkatapos ng summer camp, maghihiwalay tayo ng landas. Hindi natin masyadong kilala ang isa't isa sa mga panahon na 'yon."
"You could have told me that, Jaxen."
"I was so damn afraid of long distance relationship," halos pabulong na sabi ni Jaxen. "And I rejected you not just because of that mere reason, Yohan. May sakit ang kapatid ko simula noong ipinanganak siya and I want to prioritize her first. But she unexpectedly died that day. I found out that she was looking for me—"
"Kaya sinisi mo ang sarili mo?"
"Kapatid niya ako and I was supposed to be with her, Yohan. Kung hindi lang sana ako pumayag sa hiling niya na sumali sa summer camp—"
"At hindi natin makilala ang isa't isa?" Pagputol ni Yohan sa sasabihin ni Jaxen. "Kung nandoon ka man o wala sa tabi niya, mangyayari ang dapat mangyari. Jaxen, you made her happy by doing her one last wish and I am so proud of you, remember that."
"Yohan naman e," narinig ko ang paghikbi ni Jaxen kasabay ang paghinga niya nang malalim. "Alam mo naman na nasa iisang baryo lang ang bahay natin."
"Alam mo rin na hindi ako masyadong umuuwi sa amin. May posibilidad na hindi talaga tayo magkikita at walang Jaxen sa buhay ko ngayon. Cheesy, 'di ba?"
BINABASA MO ANG
Entangled Souls (Boys' Love)
RomansaJermaine Samonte was a college student living a relatively ordinary life until he stumbled upon an extraordinary problem: an annoying ghost named Tucker. The loss of his parents in a tragic accident had already left a deep scar on his heart, but he...