Chapter 8: Who Are You?

235 16 7
                                    

NAGLALAKAD AKO SA campus kasama sina Yohan at Nikolai na nakasunod sa aking likuran

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAGLALAKAD AKO SA campus kasama sina Yohan at Nikolai na nakasunod sa aking likuran. Sa aking harapan naman ay walang iba kung hindi si Tucker na walang tigil katitingin sa kanyang paligid.

May kasunduan kaming dalawa at may tiwala rin ako sa kanya. Sa ngayon ay hinayaan ko siyang gawin kung ano ang kanyang gusto, nagbabaka-sakaling may maalala siya. Kinausap ko rin si Jeanne, ang batang multo, na bantayan si Tucker kung sakaling maligaw ng landas si Tucker sa campus.

"Sabihin mo na kasi sa kanya," rinig kong bulong ni Nikolai kay Yohan.

"Ikaw na ang magsabi sa kanya. Bakit palaging ako?"

"Bakit ako? Ikaw ang nakakita sa kanya at nagkausap pa nga kayo, 'di ba?"

"Kung tumahimik na lang kaya tayong dalawa? Hayaan nating magtagpo ang kanilang landas. What do you think?" Rinig kong bulong ni Yohan na halatang may pag-alinlangan sa kanyang boses.

"Pero mas mabuti siguro kung handa si Jermaine sa kanilang pagtatagpo, 'di ba? Alam mo naman ang nangyari sa kanilang dalawa noon."

"Trust me, hindi 'yan. Nandito naman tayong dalawa para sa kanya, e."

"Paano kung—"

"Paano kung sabihin niyo na lang sa aking kung ano'ng gusto niyong sabihin?" Pagputol ko sa sasabihin ni Nikolai. Hindi namalayan ng dalawa na tumigil na pala ako sa paglalakad at humarap sa kanilang dalawa.

Patagong siniko ni Nikolai si Yohan at saka pilit ngumiti sa akin. "Baliw, hindi ikaw 'yong pinag-uusapan namin ni Yohan."

"Narinig ko ang pangalan ko, Niko."

"Pangalan mo? Hindi ikaw ang tinutukoy naming Jermaine. Ang daming tao na may pangalang Jermaine, 'di ba?" Umiwas ng tingin si Nikolai at saka kinamot ang kanyang batok.

Palagi niyang kinakamot ang kanyang batok sa tuwing nagsisinungaling. Walang lusot ang dalawang ito sa akin.

"Yohan?" Tiningnan ko si Yohan na kanina pa tahimik sa tabi ni Nikolai.

Sa kanilang dalawa, si Yohan lang yata ang matinong kausap. Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Yohan bago tiningnan saglit si Nikolai na ngayon ay nakatingin nang diretso sa aking likuran.

Alam kong kakaiba ang araw na 'to. Naramdaman ko iyon bago pumunta ng paaralan at mas lalong naging kakaiba sa ikinikilos ng dalawa. Wala naman akong dapat ikabahala, maliban kay Tucker na hinayaan kong gumala.

"Tumingin ka sa likuran mo," walang emosyong sabi ni Yohan.

"Anong mayroon sa likuran ko?"

Wala akong natanggap na sagot. Nakita ko ang kaba sa mukha nina Nikolai at Yohan habang naghihintay sa kasunod kong gagawin. Dahan-dahan akong humarap. Parang slow-motion ang nangyari at ang nakikita ko lang ay ang babaeng nakatayo sa 'di kalayuan. Mahaba ang kanyang buhok at katulad ng dati ay hindi pa rin nawawala ang kanyang bangs na palagi niyang pino-problema. Hawak ang kanyang ice cream ay nakatingin siya nang diretso sa aking mga mata at gano'n din ang ginawa ko.

Entangled Souls (Boys' Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon