BREATHE IN. BREATHE out.
Sinilip ko muli si Tucker na mahimbing na natutulog sa aking tabi. Ngayon ko lang nagawang pagmasdan ang kanyang maamong mukha. Noong nagpaulan ng kagwapuhan ang langit, gising yata si Tucker at sinalo lahat.
Kasalukuyan kong tinitigan ang mahaba niyang pilik mata, ang matulis niyang ilong, at kahit imposible ay gusto kong kurutin ang kanyang malalambot na pisngi. Sa madaling salita ay nanggigigil ako sa katabi kong multo. Ilang segundo lang ay dumapo ang tingin ko sa kanyang mapupulang labi na kay sarap halikan-
"Buwesit, ano ba itong iniisip ko? Ang halay mo masyado, Jermaine." Tumihaya ako upang kalmahin ang nagwawala kong puso sa kanyang hawla.
Ano ba ang ibig sabihin nitong naramdaman ko?
Bakit kinakabahan na naman ako?
Nagpasya akong maligo, nagbaka-sakaling mawala si Tucker sa aking isipan na walang tigil katatakbo. Sarili kong katawan ngunit hindi ko matukoy kung ano itong nangyayari sa akin. I don't need any kind of hypothesis though-ang gulo, punyeta.
Dumiretso ako sa kusina pagkatapos maligo. Nadatnan ko si Yohan na umiinom ng kape at kulang na lang ay gawin niya itong tubig sa daming sachet na nagkalat sa lamesa. Kape is life yata ang life motto ng kaibigan ko.
"Nasaan si Nikolai?" Tanong ko sa kanya.
"May date," maikling sagot ni Yohan at saka inubos ang kanyang panghuling kape.
"May lakad ka ba ngayon? Maaga ka yatang naligo," tiningnan ko ang multong naglalakad sa aking harapan. Itinuro niya ang kanyang mga matang nahulog sa lamesa na kanina pa niya hinahanap.
"Kailangan ko ng bakasayon."
"Bakasyon? Wala ka ngang ginawa buong linggo 'tapos may bakasyon ka pang nalalaman. Ikaw lang naman ang gumagawa ng sariling problema sa katatakbo mo palayo kay Jaxen, e." Kinuha ko ang kanyang mug at hinugasan ito.
"For your information, ang hirap kayang iwasan ni Jaxen sa school. So, yes, I deserve a vacation. A peaceful escapade, if you don't mind."
"At sino ba ang nag-utos sa 'yong iwasan mo siya? Para kayong mga baliw sa ginagawa niyong habulan." Nagtimpla ako ng gatas bago umupo sa tabi ni Yohan.
"Hindi mo kasi naintindihan kung bakit ko siya kailangan iwasan, Jermaine. Basta, sobrang komplikado ng situasyon naming dalawa ni Jaxen."
"Paano ko maintindihan kung wala kang sinasabi sa amin ni Nikolai? Hindi naman ako manghuhula," sambit ko sa kanya sabay inom ng gatas.
Hindi ako nakatanggap ng sagot kay Yohan hanggang sa tuluyan siyan umalis. Naiwan akong mag-isa sa kusina habang iniisip ang mga maaaring dahilan ni Yohan. Naubos ang tinimpla kong gatas hanggang sa sumulpot sa aking harapan si Tucker pero wala akong maisip na dahilan.
It's still a mystery to me until now.
"May lakad ka ngayon?" Tanong ni Tucker nang mahalata niyang hindi ko siya pinapansin.
BINABASA MO ANG
Entangled Souls (Boys' Love)
RomansJermaine Samonte was a college student living a relatively ordinary life until he stumbled upon an extraordinary problem: an annoying ghost named Tucker. The loss of his parents in a tragic accident had already left a deep scar on his heart, but he...