Chapter 2: My Edward Cullen

430 25 38
                                    

ANG UNA KONG tiningnan nang magmulat ako ng mga mata ay ang orasang inilagay ko sa lamesang katabi ng higaan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ANG UNA KONG tiningnan nang magmulat ako ng mga mata ay ang orasang inilagay ko sa lamesang katabi ng higaan. Natampal ko ang aking noo nang makitang tanghali na pala. Wala sa isipan akong tumingala sa kisame at nginitian ang babaeng multo na hanggang ngayon ay walang balak na bumaba at makipag-usap sa akin ng matiwasay.

Bahala siya. Buhay niya iyan—patay na pala siya.

Agad akong nag-ayos bago pumunta sa kusina. Masakit ang ulo ko dahil sa hangover, pero wala akong masisi kung hindi ang aking sarili.

Sino ba ang sumama kina Nikolai at Yohan sa bar kagabi? Ako.

Sino ba ang uminom ng sampong shot glass ng tequila? Ako.

Sino ang dapat sisihin sa hangover ko? Malamang, sarili ko.

Hinawakan ko ang aking ulo habang sinusundan ng tingin ang multong pabalik-balik ang lakad sa aking harapan. Jusko, mas lalo akong nahihilo sa kalikutan niya. Nagpasya akong magtimpla ng dalawang mug ng milo. Walang pasabi ko itong nilagok at pinagsisihan kaagad ang padalos-dalos kong desisyon. 

Sobrang init nga naman, mukhang napaso yata 'yong dila ko.

"Saan ka naman pupunta?" Tanong ko sa multong paalis ng kusina. Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa aking direksyon. Buwesit, hindi ko masasabing nakatingin siya sa akin dahil nahulog na naman ang kanyang mga mata.

Hindi ko na siya pinansin at hinayaan na lamang pumunta sa kanyang kaibigang multo. Mga multong walang magawa sa kanilang buhay, bahala sila. 

Payapa kong ipinagpatuloy ang pag-inom sa tinimpla kong milo hanggang sa marinig ko ang sigaw ni Nikolai sa itaas. Kapayapaan? Mukhang mabubuhay ako sa mundong kahit isang segundong kapayapaan ay hindi ko mararanasan.

Pagkatapos kong inumin at pakinggan ang sigaw ni Nikolai ay nagpasya akong lumabas ng bahay, nagbabaka-sakaling makahanap ako ng totoong kapayapaan sa mundo. Pero sino ang niloko ko? Agad bumungad sa aking harapan ang multong palaging nakasunod sa akin sa pinapasukan kong paaralan.

Tanggap kong hindi ako lulubayan ng mga multo. Ito ang naging kapalaran ko simula nang mangyari ang aksidenti.

"At ano na naman ang kailangan mo sa akin, bata?" Walang gana kong tanong.

Hindi ako nakikipag-usap sa mga multong nakasasalamuha ko araw-araw. Parang baliw lang, e. Masasabi kong wala talaga akong magawa sa buhay ngayon, kaya kakausapin ko na lang sila. Wala naman sa diksyonaryo ko ang matakot.

Hindi sumagot sa akin ang batang multo at basta-basta na lang naglakad palayo sa akin. Kumunot ang aking noo sa kanyang ginawa, pero sa huli ay sumunod pa rin ako na parang baliw. Wala akong magawang matino sa araw na 'to, kaya hahayaan ko munang ubusin sa walang kuwentang bagay ang oras.

"So, saan mo balak pumunta ngayon?" Tanong ko at umaasa na makatanggap ng sagot, kahit pag-iling lang naman.

Tumigil ako sa paglalakad nang mapansin kong nakatingin sa akin ang mga nakasalubong kong tao. Pilit akong ngumiti sa kanilang lahat bago nagpatuloy sa paglalakad.

Entangled Souls (Boys' Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon