Chapter 5: Deals & Clues

313 18 16
                                    

DALAWANG ARAW AKONG nakikinig sa kabaliwan ni Tucker

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DALAWANG ARAW AKONG nakikinig sa kabaliwan ni Tucker. Sa buong buhay ko ay ngayon lang yata ako naging masaya na dumating ang lunes. Hindi ko na kayang marinig ang ibang kabaliwan ni Tucker sa buhay.

"Nikolai, tara na!" Sigaw ni Yohan nang makita ang kaibigan naming nakatunganga sa gitna ng campus.

"Bakit ka ba nagmamadali? May thirty minutes pa naman tayo, o."

"Pero may five minutes na lang akong natitira bago magsimula ang klase. Baka nakalimutan mong hindi tayo pareho ng schedule, Niko?" Sagot ni Yohan at saka walang pasabing tumakbo palayo sa amin ni Nikolai.

Nakapagtataka man ay alam ko ang kanyang dahilan. Papunta sa aming direksyon si Jaxen na abala sa pakikipag-usap sa mga bagong estudyante ngayong semester. Isa si Jaxen sa mga volunteers tuwing nangangailangan ng tulong ang Elton University. Base sa kuwento ni Nikolai, sa isang volunteer activity nagkakakilala sina Jaxen at Yohan and after that, they ended up running away from each other.

At walang nakakaalam kung bakit nangyari iyon.

Tinapik ako sa balikat ni Nikolai at itinuro ang canteen. "Gusto mong kumain muna? Hindi yata umabot sa tiyan ko ang cerelac."

"How about Jaxen?" Tanong ko sabay turo sa taong palapit sa aming puwesto.

"What about him?"

Umiling ako bilang tugon sa kanyang tanong. Nauna akong maglakad patungong canteen at tahimik lang nakasunod sa akin si Nikolai.

Iniwan kong mag-isa si Tucker sa bahay, but he's not literally alone though. Marami siyang kalaro sa bahay, lalo na ang tatlong unggoy sa hagdanan. Pwede rin silang magtagu-taguan kasama si Alexis kasabay ang paggambala sa multong nasa kusina at sala. Huwag lang talaga ang multong nasa silid nina Nikolai at Yohan, nakakatakot siya, promise.

At hanggang ngayon ay hindi ako komportable sa multong iyon.

"May balita ka na kay Slade?" Tanong ko sabay subo ng kanin.

"Wala masyado," sagot niya at saka nilagok ang biniling soft drinks. "Pero may nakapagsabi sa akin na nandito siya sa Elton nag-aaral. Ang problema? Masyadong malaki ang Elton upang magtagpo ang landas naming dalawa, Jermaine."

"At legit ba ang source mo?" Paninigurado ko sa kanya.

Maraming beses na siyang nasaktan at sa pagkakataon na ito ay gusto kong makasigurado na magiging masaya siya. Alam kong parte ng buhay ang masaktan at maging malungkot, pero nakakasawa rin pala kung paulit-ulit na lang.

Gusto ko ng happy ending, kahit hindi para sa akin, para sa mga kaibigan ko na lang.

"Tingnan mo ito," ipinakita ni Nikolai ang kanyang cellphone na may litrato ni Slade. Nasa loob ng boys' comfort room si Slade at nasa kalagitnaan siya ng pag-ihi.

"Really, Niko? Sa lahat ng litrato, iyan talaga?"

"Hindi ko naman kasalanan na ito ang ibinigay sa akin bilang patunay. Alam mo bang ililibre ko si Hagen ng three meals for a month? Ang kurakot talaga ng lalaking iyon."

Entangled Souls (Boys' Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon