Clayn
It wasn't that long to get us in Anawangin Cove Island. Sobrang tirik at sakit ng araw pagkadaong namin. The sand is white and look so beautiful. Inayos ko ang shades ko habang manghang tinatanaw ang mga malalaking bundok din. It was so green.
"Wala pa lang signal dito? Hindi ako makakapag-update sa social media nito." Ani Train.
I checked my phone also. Wala ngang signal. Hindi ko naman gaanong kailangan non kasi nandito ako para magrelax from stressful midterms.
There are some girls wearing two piece not that far from us. Sumisipol ang ibang lalaking kasama namin. I even caught Cade looking at one of the girls. Seriously? Wala na ba sila nong huling babae na kasama niya? What a flirt! Its none of my business so why would I care!
"Bro, maghanap ka na jan. Daming babae sa tabi tabi." Kuya said habang nagsimula na kaming maglakad papasok sa gubat.
Nakita kung napa-iling lang si Cade at natatawa and his eyes found mine. Agad akong napa-iwas ng tingin sa kanila.
Medyo marami ang mga taong nag-camp doon. Ang grupo namin ay tinitigan ng ibang babae at lalaki. Hindi naman kasi maipagkaka-ila na mga may mukha ang kasama ko.
We crossed the wooden bridge while the boys kept cat calling some girls who's like a flirt also. Sinamaan ko naman ng tingin si kuya ng sumubok na lumandi sa isang babae. Seriously, may girlfriend na siya for fuck's sake.
"Dito nalang tayo." ani Train ng makahanap ng pwesto kung saan pwede naming tayuan nung tent.
"Pwede rin." Sang-ayon ni Lily.
"Ilang tent lahat?" Tanong naman ni Zoen.
"Five I think. Tag-dalawang tao kada-tent. We rent two more." Ani Train.
Nag-presenta ang mga boys na sila na ang gagawa sa mga tent habang kami nalang daw ang magready ng pagkain since we haven't eaten our lunch. Mabuti't may dalang butane stove si Zoen kaya may magamit kami para makapag-luto ng madali.
Habang inaasikaso ng ibang girls ang lulutuin ay ako naman ang nagpresentang itali ang duyan na nirentahan din nila.
"Dito? Okay lang ba?" Tanong ko sa kanila.
Busy ang iba kaya si Jaden lang ata ang nakapansin sa akin.
"It can be." Jaden said kaya napatingin ako sa kanya. He nodded so I smiled. Kasalukuyan siyang nag-aayos ng tent with Zoen. "I'll help you, wait malapit na 'to." Aniya.
Tumango ako at ngumiti sa kanya. Hinintay ko siya ng mga ilang minuto. While I was waiting for them to be done, I opened my phone and decided to take a picture of them while they're so busy. Pang-memories lang sana.
Habang busy ako sa pag-picture ay biglang may mukhang humarang sa camera. Kumunot ang noo ko dahil si Cade 'yon. He was smiling teasingly. Binaba ko ang camera at tinitigan siya nang masama. Ano naman ang problema niya? Nang-iinis na naman?
"What?" Inis na singhal ko.
His brows shot up while his lips is smirking. He went beside me while rubbing his two hands. Nakatingin siya sa mga busy na kaibigan namin.
"I can help you with that." aniya at tumingin sa akin then tinignan ang duyan sa kamay ko. Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. I was a little bit confused of how he behave right now. I wasn't expecting him to be like this towards me.
BINABASA MO ANG
Back Series 1: Back To You (BxB)
Teen Fiction(Back Series #1) [BxB] Status: Completed Clayn Sarmiento, the in denial and androgynous gay is very popular in boys. Mens flocked at his inbox because he looked so womanly, feminine and beautiful despite being a man. And one of those mens who got st...