Clayn
Akala ko magtatagal pa ang kasayahang naramdaman pero dati pa lang, ramdam ko na na ayaw ng tadhana na maging masaya ako ng matagal. Dati pa man, kapag masaya ako, ang bilis ng oras, gaya rin ng relasyon namin.
I thought everything had fall into right places but guess what? I was wrong. Sinusubok pa rin kami. And my doubts for him started to form in my mind.
It has been two days since I confirmed it from him. Kada-gabi, palagi akong naiiyak. This is my first time experiencing this. Wala pa akong karanasan sa mga gan'to, ngayon pa lang. And I didn't know it was this painful.
Parang sinaksak ang puso ko ng paulit-ulit. Ang sakit! The thought of him betraying me and he didn't really love me tormented me. Those are just some of my doubts about him.
Totoo nga ba ang pag-ibig niya? Agad kong ipinilig ang ulo sa naisip. Ayaw ko mang pagdudahan ang pagmamahal niya sa'kin, hindi ko pa rin maiwasan. Kung totoo ngang mahal niya ako, bakit pumayag siyang ikasal sa iba?
Paano kami? Is he sacrificing us? For what?
I have never tried to hear his reasons. Kasi alam ko kung ano man ang rason niya, mas lalo lang akong masasaktan kung sakali. Iniisip ko pa lang ang mga posibleng rason niya, para ng unti-unting pinapatay ang puso ko.
What if he realized he actually prefer girls over me? That he was just infatuated with me? In love with something new to him that's why he pursue me? He was just curious? And he woke up and realize what he really wants?
After all I can't give him the life that normal people wanted. To build a family and have a child and sadly, I can't bear him a child.
Parang torture sa akin ang mga naisip na pagdududa. Gayo'ng tapos na kami, dapat kalimutan ko na siya. Kahit sinaktan niya ako sa pagtatago niya sa akin tungkol rito at posibleng ginamit niya lang ako sa kuryosidad, hindi ko pa ring magawang sisihin siya ng buo. Kasi alam kong nagdesisyon rin ako rito, nagpasya akong bumigay at ito ang kinahihinatnan ko.
Ang sakit lang isipin na posible niya nga akong ginamit. Para akong mababaliw kakaisip.
Sa mga sumunod na araw, hinihintay niya pa rin ako sa labas ng bahay pero kay kuya na ako sumakay. Bakit pa niya ako susunduin? Wala na naman kami!
Sa unibersidad naman, maabutan ko siya sa labas ng classroom namin na may dalang bulaklak. Araw-araw gano'n ang ginawa niya at hindi ko siya pinansin. Kahit nagtangka siyang makipag-usap sa akin, hindi ko pinaunlakan.
My friends comforted me sa linggong iyon, araw-araw nila akong pinuntahan sa bahay. Kahit papano, their presence brought comfort to me at times like this.
"Maybe you should try to talk to him Clayn... have closure with him perhaps," suhestiyon ni Kess habang umiiyak na naman ako sa aking kwarto isang araw.
Pagkatapos ng klase ay dumiretso sila sa amin. Ganito ako lagi pagka-uwi. Umiiyak pa rin, walang hangganan. Hindi na nauubos ang aking mga luha kakaiyak.
Sobrang naiirita na ako sa sarili ko. Kahit anong pilit kong magpakatatag, I will always fall down. Damn him! I shouldn't be like this.
Kung tutuusin, tatlong buwan lang naman kami, ba't ganito kasakit. Maybe the times we were together, I grew so attached to him and fell harder that's why I'm suffering right now.
Umiling ako. I would never attempt to hear his reasons because this is the only way I think I can save myself from being totally broken.
"I-I will not. Whatever reasons he had, it will just add to the pain. I'm sure." Mariin kong sambit.
BINABASA MO ANG
Back Series 1: Back To You (BxB)
Teenfikce(Back Series #1) [BxB] Status: Completed Clayn Sarmiento, the in denial and androgynous gay is very popular in boys. Mens flocked at his inbox because he looked so womanly, feminine and beautiful despite being a man. And one of those mens who got st...